Papaalis na sana sa harapan ko ang vice president ng student council nang bigla ko syang tinawag.

  "Hindi. Sige na. Pwede ako ngayon. May gagawin pa ako mamaya kaya ngayon mo na lang ako tanungin."

  Nung una mukhang nag-alangan pa yung lalaki na yun na kausapin ako dahil nga sa biglang pagsigaw ko sa kanya kanina.

  'Psh! Kasalanan 'to ng babaeng iyon!' sa isip ko.

  "Okay sige. Doon na lang siguro tayo sa isang tabi. Kaunti lang naman 'to. Matatapos din tayo agad."

  Nakahinga ako ng maluwag doon sa sinabi nya.

  Mabuti naman at makakaalis agad ako ng maaga pagkatapos nitong interview na ito. May daraanan pa kasi akong flower shop mamaya.

  Anong okasyon? Tsk! First monsary namin ni TG at wala pa akong nabibiling regalo sa kanya.

  Isa pa, kailangan ko pang ipapaalala sa babaeng baliw na iyon mamaya yung tungkol sa monsary namin kasi paniguradong hindi nya alam na ngayon iyon. Psh!

  Naglakad kami sa bleachers ng gym at naupo ng magkaharap sa isa't-isa.

  Tsk! Sana naman matapos agad ang tanungan na 'to dahil baka wala na akong maabutang bulaklak mamaya.

  Saka isa pa, gusto kong panoorin yung girlfriend ko doon sa photoshoot nya kasama si Mobi.

  Mahirap na. Baka anong kabaliwan pa iutos sa kanila na Patty na gawin. Mabuti ng nag-iingat.

  "So, unang tanong. Kumusta naman yung experience mo bilang runner up na lang sa Mister and Miss Eastton University contest? Anong pakiramdam na naalis ka sa pwesto?"

  Binigyan ko muna ng bagot na tingin ang lalaki na ito bago ko sya sinagot.

  "Kung tatanungin mo ko para alamin yung nararamdaman ko dahil hindi na ako yung Mister Eastton ngayong taon, okay lang. Wala naman akong pakialam sa contest na iyan noong una pa lang. Kayo ang nagsali sa akin dyan at hindi ako."

  Sinulat ng vice president yung mga sinabi ko sa dala nyang notebook saka ako tinanong ulit.

  "Eh ano namang mapapayo mo sa bagong Mister and Miss Eastton? Balita ko best friend mo yung nanalo ngayong taon at girlfriend mo naman ang isa. Hindi ka ba natatakot na baka maagaw sa'yo ng bagong Mister Eastton yung girlfriend mong si Felicity Sandoval?"

  Tinitigan ko ng masama yung lalaki na iyon. "Sinong gumawa ng mga tanong mo?"

  "Ako!" masayang sabi ni Patty sabay upo sa bakanteng upuan sa pagitan namin nung vice president. "Ayos ba?"

  Tsk! "Sinasabi ko na nga ba at ikaw na naman may pakana nito eh! Ayoko ko na! Hindi na ako sasagot sa mga tanong nyo! May pupuntahan pa ako!"

  Papatayo na sana ako nang biglang hilain ni Patty yung braso ko dahilan para maupo ulit ako sa bleachers.

  "Ang korni mo talaga kahit kailan, Kaizer! Sagutin mo na lang kasi nang matapos na tayo!"

  "Ayoko."

  "Dali na!"

  "Ayoko."

  Tinitigan ako ng masama ni Patty nang tumanggi ulit ako pero mamaya lang ngumiti na sya sa akin...ngiti ng taong may binabalak na masama.

  "Bibigyan kita ng copy ng interview ko kanina kay Sitti kapag sinagot mo lahat ng mga tanong namin para sa'yo."

  "Ininterview mo din si Sitti?" kunot-noo na sabi ko.

My Tag Boyfriend (Season 1)Where stories live. Discover now