Chapter 31: Cloud

Start from the beginning
                                    

“Dito po yung kwarto niya ma’am. Kumatok nalang po kayo.” Ngumiti yung babae.

“Salamat po.” Ngumiti din ako sakanya then umalis na siya.

Ilang seconds or minutes pa ako nakatayo sa harap ng kwarto niya. Ewan ko kung bakit. Parang kinakabahan ako. Siyempre! Papasok ako sa kwarto ng lalaki? Ang matindi pa, sa kwarto pa ni Shawn?! Aisshtt! Bakit ba kasi pumayag pa ako na pumunta dito at makipag ‘bonding’ daw sa mga anak ni Tita Sonia?! Tsk. Balik nalang kaya ako kina Mom? Err. Mukhang mawawala pa ako. At saka, tama naman si Tita Sonia. Ma b-bored lang ako pag nag stay ako dun kasama nila dahil nga usapang matanda yung pag-uusapan nila. Wala namang masama if papasok ako sa kwarto niya diba? Wala naman kami gagawing masama!

Huminga muna ako ng malalim at kumatok na sa door.

Binuksan naman at nakita ko si Shawn na..

Topless.

“AAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH!!!!!!!!!!”

Kaagad naman lumapit saakin si Shawn at tinakpan yung bibig ko.

“What the! Wag ka ngang sumigaw pwede?!” Kinakabahan naman ako habang nakatingin sakanya. “Tatanggalin ko na yung kamay ko, wag kang sumigaw okay?!” nag nod ako.

Umiwas ako ng tingin. “Magshirt ka nga pwede?!”

“Paano kung ayoko?” halata mo sa boses niya na nang-aasar siya. Arghh!!

“Geez Panget ka talaga!!” Yun nalang sinabi ko. Di ko pa rin siya tinitingnan.

“Ano bang ginagawa mo dito?!”

Tiningnan ko na siya ngayon. Sa mukha lang niya ako nakatingin. “Sabi ni Tita Sonia puntahan daw kita dito sa kwarto mo para daw makapag bonding ako sa mga anak niya!”

“What?! Baliw ba sila?! At saka ikaw? Bat ka naman pumayag?!”

“Eh kasi halata naman na ma b-bored ako pag dun ako sakanila sumama at nag stay! Papasukin mo nalang ako pwede? Hindi naman kita I –r-rape! At saka nandito daw din yung bunso mong kapatid!”papasok na sana ako sa kwarto niya pero hinarangan niya ako.

“Di pwede!”

“Why?! Wala naman tayong gagawin masama ah! At saka nakapasok ka din naman sa kwarto ko dati without my permission!”

“Ibang kwento yun!” then kaagad siyang pumasok sa kwarto niya at sinerahan ako ng pinto.

Her Love Story [Completed]Where stories live. Discover now