Chapter 12: Alam nya ba

Start from the beginning
                                    

“Bye, mom see later. Alis na ako.” Paalam ko. Saka tumakbo paalis.

“Dito ka ba uuwi mamaya?” Taong nya. Tumingin ako sa kanya.

“Dunno! Text you later!” Sigaw ko habang natakbo. Punaharurut ko agad ang sasakyan. Kanina pa tunog ng tunog ang cellphone ko pero di ko sinasagot. Siguradong sermon lang ang maririnig ko. Hahayaan ko nalang sila. Basta kailangan kong makarating sa venue para hindi ako masabon.

Ang program na gagawin ay para sa pondo ng student council. Sa varsity team sila lumapit para humingi ng tulong. Dahil marami ang fans ng team kaya mas madali silang makakalikom ng pera. Gagamitin yun para sa mga future event na gagawin ng council.siguro kanina pa sila nag uumpisa. Patay talaga ako.

Pag dating ko ng school. Ang dami ng tao sa centralize covered court. Nag uumpisa na nga ang event. Namataan ko si Zia na hawak ang phone at may dina-dial. Tumunog ang phone ko, pag kakita sa pangalan nya. Huminga ako ng malalim saka sinagot.

“Where are you?! Kanina ka pa namin tinatawagan di mo sinasagot! Ano ba talagang gusto mong palabasin?” sermon nya sa akin. Nakatingin ako sa kanya.naka-kunoot ang noo nya habang may hawak na mga papel at binabas yun. May mga lumalapit din sa kanya para mag tanong ng kung ano-ano. She does multi-tasking.

“Yuan, Ano ba. Bat di ka nag sasalita, Asan ka ba?!” Tanong nya. Mukhang tarantang tarant na sya. Ako nalang siguro ang hinihintay. Bigla ko tuloy na isip na gumawa ng kalokohan.

“Paano kung ayokong pumunta? May magagawa ka?” Asar ko sa kanya. Nakita kong lalo na doble ang kunoot ng noo nya. Kinagat nya ang lower lip nya. She always does that kapag nag pipigil sya ng galit or kahit anong emosyon. Lagi kasi nyang ginagawa yan sa akin kapag nagagalit sya. Kaya lagi ko rin syang gustong galitin.

“Yuan, hindi ako nakikipag biruan sayo, ikaw nalang ang hinihintay dito. Lahat ng team member mo nandito na! asan ka ba?”

Ang sarap talaga nyang asarin. Ang dali kasi nyang maniwala. Hindi kasi sya sanay na makipag biruan kaya akala nya lahat ng bagay seryoso. She always gives her one hundred percent in all of the things she does. Even in bed she put her hundred percent. I know, cuz I’m addicted to her. Bigla akong nakaramdam ng init sa katawan. Iniisip ko palang nakakapag painit na sa akin. Paano pa kaya kapag ginagawa na namin.

Arghhh! Yuan, ano kaba! Umagang –umaga kamanyakan inaatupag mo!

“Kiss me hard.” I demand.

“Ano? Baliw ka ba! Pumunta kana dito!” Galit na talaga sya.

“Kiss me hard on the lips saka ako mag pa-participate.” Sagot ko. Kinagat nya ulit ang labi nya. Gustong gusto ko na talagang kagatin din yun. Nakaramdam ako ng uhaw. Uhaw na labi lang ni Zia makaka-tanggal.

“Yuan, hindi na ako natutuwa. Pumunta kana dito ngayon na!” Impit nyang tili. Galit na talaga sya.

Secret loversWhere stories live. Discover now