The Big Reveal

6K 124 28
                                    

Mika's POV

Ara: So tell me, Mika. What the hell is going on? Why is she calling me mommy? Ganon ba ang tawag niya sa lahat ng friends mo? At sorry ha, sasagarin ko na ang pagtatanong kahit alam kong wala ako sa lugar, pero kailangan ko lang malaman eh. Eight years Mika. Eight years tayo magkasama bago mo ko iniwan. Pero not once mo nabanggit sa'kin si Mike? Ano yon?!

Dinig ko ang inis sa boses ni Ara sa mga tanong niya sa'kin. Pero nandito na eh. Kahit masama ang loob ko sakanya, she deserves to know the truth.

Mika: Kumalma ka muna and promise to keep an open mind. And can you let Mike leave once I answer your question regarding him?

Ara: As long as ok lang sakanya na iwan ang "partner" nya with her ex, fine with me.

Ang gagong Mike hndi napigilang bahagyang matawa at may pailing-iling pa ng ulo. Kinurot ko nga ng matahimik. Nakita ko naman umirap si Ara sa ginawa ko. Selosa talaga.

Mika: You know him, Vic. Ilang beses ko na siya nakwento sa'yo. Nakachat mo pa nga siya dati nung college. Ilang beses na.

Ara: Sandali ah, I'm sure kung nakausap ko siya at nakilala matatandaan ko siya. We may have been older pero hindi ganyan kahina ang memorya ko. I would've remembered Mika if indeed you introduced him to me!

Medyo tumataas na ang boses ni Vic. Pasagot na sana ako ng biglang sumingit si Mike.

Mike: Jusko te!!! Hindi mo ba talaga ako namumukhaan?! Ganon ba kalaki ang transformation ko?! Kaloka! Ako to si Mikee! Remember??! Pagselosan daw ba 'ko!!! Hello?? Si Mika??? Maligo ka nga ng holy water Vic!!! Alam mong kay Perry lang nakalaan ang puso ko!!

Natulala naman si Vic sa sinabi ni Mike. Inalog muna nito ang ulo bago nagsalita.

Ara: Mikee??? As in Mikee from California?!?

Mike: u-huh...

Ara: Ano nangyare sa'yo?? Bakit mukha kang lalaki???!!

Mike: Hay nako eh ang puji ko... Tatanggapin lng daw nya ang preference ko kung hindi ako magko-cross dress, no make-ups at heels, at short hair! Kaya eto! gwapo ko noh? minsan nga nagkaka-crush ako sa sarili ko eh.. Pero kahit anong pilit ko, si Perry lang talaga ang laman ng puso ko eh...

Ara: I don't know what to say... I'm sorry??

Mike: hahaha ok lang pinagti-tripan lang din kita kanina... Pang famas ba ang acting ko?? Award ka din kasi Vic! makapag-angas parang ang laki mong tao! hahaha

Ara: Tse! tumigil ka na! Pero... Ibig sabihin...

Mike: Oo, hindi ko anak si Ai. partners kami ni Miks sa business hindi sa buhay, manghilakbot ka nga!

Ara: So, kundi ikaw ang tatay ni Ai, sino?

Nagpapalit-palit ng tingin samen si Vic. Nauna na ko sumagot.

Mika: Hindi ko kilala...

Ara: Ano?! Nagpabuntis ka sa hindi mo kilala?!?!

Mika: Hoy Victonara! Kagabi ka pa ah! Napakadumi ng isip mo?! Ganyan ba talaga ang tingin mo sa'kin ha!?

Ara: Siyempre hindi!!! Pero ano ang gusto mong isipin ko?!? Narinig mo ba ang sagot mo sa tanong ko?! Hindi mo kilala sino tatay ni Ai?!!

Mika: Eh tumahimik ka muna kasi!! patapusin mo muna ako magsalita!! Kaya tayo nagtatalo eh! You're putting words into my mouth!!!

Mike: Hep hep hep!!!! Exit na ko lovebirds! Hindi na ko kailangan sa paguusap na to. Pagusapan nyo yan ng maayos. Baka madinig pa kayo ni Ai!

Hinatid ko muna si Mike sa may pinto. Pagbalik ko wala si Vic sa sala at doon ko naabutan sa kusina. Umiinom ng tubig. Nagpapakalma yan for sure.

Mika: Doon ako sa master's bedroom. Sumunod ka na lang pagkatapos mo diyan.

Dumaretso na ko sa kwarto namen at umupo sa kama. Hindi naman nagtagal ay sumunod na din siya at umupo sa tabi ko. Ilang minuto din kaming tahimik pareho before I broke the silence.

Mika: Nung 9th year anniversary naten dapat, pumunta ako kay Dra. Domingo. Tinuloy ko yung IVF Vic. Kaya hindi ko alam sino tatay ni Ai. Ang alam ko lang, anak natin siya.

Biglang napaangat ng tingin si Vic at agad na namuo ang luha sa mga mata niya. Hinawakan ko ang pisngi niya bago pinagpatuloy ang sinasabi ko.

Mika: When I left, I was so broken. Hindi lang ikaw ang nahirapan Vic. Pero alam kong kailangan ko 'yon. I have to learn to live life on my own. Masyado kasi akong naging dependent sa'yo. When I left, I was like a baby learning to walk by myself. And God knows ilang beses akong muntikang bumalik dito para makasama ka.

Naalala ko tuloy yung mga unang araw, linggo, at buwan pagkaalis ko noon. Tuloy-tuloy na ang pagpatak ng luha ko. Ganoon din si Vic. Nakayuko na lang ako at pinaglalaruan ang mga daliri ko habang nagsasalita. Nararamdaman ko naman na nakatitig lang sa'kin si Vic.

Mika: Pero pinigilan ko ang sarili ko. Dahil natakot ako. Sinisisi ko din ang sarili ko sa nangyari satin. Kasi may mga pagkukulang din ako. Kung sana naging mas mabuting girlfriend ako hindi ka sana naghanap ng iba..

Ara's POV

Ang sakit lang na marinig yung mga sinasabi ni Mika. Hindi ko maiwasang hindi balikan yung mga huling araw na magkasama kame. Andaming taon na din ang lumipas pero malinaw na malinaw pa sa'kin lahat 'yon. At hanggang ngayon nagsisisi ako sa ginawa ko. Lalo pa ng marinig ko ang mga sinasabi ni Mika. Kahit magkahiwalay kame, iniisip din pala niya ako. At sinisisi niya ang sarili niya sa nangyari. Napakabuting tao talaga ni Mika.

Mika: Kung sana sinunod ko lahat ng gusto mo, hindi ka sana naghanap ng atensyon ng iba. Kasalanan ko din kasi napabayaan kita.

Ara: Hindi totoo yan Mika. Wala kang kasalanan. Ako ang nagkamali. Kahit pa totoong nawalan tayo ng oras sa isa't isa noon, hindi sapat na dahilan yon para sa ginawa ko. Alam mo yan.

Mika: Dalawa tayo sa relasyong 'yon Vic. May pagkakamali ka, may pagkukulang ako. Pero kahit kalian hindi ka nawala sa isip ko. Lalo na sa puso ko. Natatandaan mo pa ba yung sinabi ko bago ako umalis ng bahay?? Mahal na mahal kita, at kahit kelan hindi magbabago 'yon. At hindi nagbago 'yon Vic..

Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko ngayon pero saya ang nangingibabaw sakin. Part of me is hesitant. For the simple reason that sobrang bait ni Mika. Ang tagal na panahon na ginusto kong bumalik sya sakin pero ngayon iniisip ko if i deserve her. Moreso, if she deserves someone like me. Sa gulo ng buhay ko ngayon, ayoko siya idamay. Pero kaya kong ilet go lahat. I'm willing to start anew lalo pa nadagdagan ang reason ko para ayusin ang buhay ko. Si Ai. 

Hindi ko namalayan na nakatulala na pala ako ng matagal. I'm still trying to absorb all the information i just learned when Mika held both my hands.

Mika: Vic, are you willing to forgive me?

Tears are flowing down from her eyes when she said that.

Ara: Kahit kelan hindi ko inisip na may kasalanan ka Miks. I can't even describe how i feel right now. I don't know what I did to deserve someone like you. Thank you Miks. I swear to God I'll make it up to you and Ai. I'm sorry for not being by your side when you were carrying Ai. I'm sorry when I wasn't there when you needed me the most. I'm sorry-

Mika cut me off with a kiss on the lips.

Mika: I love you.

Ara: And I'm crazy in love with you.

I knelt in front of her and kissed the back of her hands. With tears pooling in my eyes I asked her

Ara: Mika, can you give me another chance to prove my love to you? Can we resume our journey to forever? 

She gave me a genuine smile and said

Mika: There's nothing more I would want but to be with you and Ai for the rest of my life, babe. 

THE END.

A/N

Sorry it took me so long to post this. Thank you for reading my story. :) I might or might not write an epilogue. we'll see. But thank you again everyone! :) 

🎉 Tapos mo nang basahin ang The day you went away (Mika Reyes & Ara Galang Short Story) 🎉
The day you went away (Mika Reyes & Ara Galang Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon