The calm before the storm

5.5K 73 6
                                    

Babala: Rated PG

Paalala: Kathang isip lang po. Imbento lang 'to.

Read at your own risk.

Mika's POV

Kahit parang biglang hinigop ang lakas ko sa mga ungol na nadidinig ko galing sa kwarto namen ni Ara, pinilit kong ituloy ang paglakad ko. Hindi magagawa sa'kin ni Vic ang iniisip ko, Mahal ako ni Vic. Kahit nanlalambot ay dumaretso pa din ako papunta sa kwarto namen. Hindi nakasara ng mabuti ang pinto. Medyo malaki ang uwang sapat para makita ko ang halos buong kwarto. Parang humiwalay ang kaluluwa ko sa katawan ko sa nakita ko. Si Ara ko, may kahalikan na babaeng hindi ko makilala. Nanlamig ang buo kong katawan habang naguunahan ang paglabas ng mga luha ko. Napahawak na lamang ako sa bibig ko para pigilan ang paggawa ko ng ingay. Wala pa ako sigurong isang minuto sa labas ng pintuan pero pakiramdam ko iyon na ang pinakamatagal na minuto ng buhay ko. Hindi ko na kailangan pa makita kung ano pa ang susunod nilang gagawin. Mabilis pero maingat akong bumaba at bumalik sa kotse ko. Tulala lang ako at patuloy pa din ang pagluha. Hindi ko alam ang gagawin ko. Ang sakit sakit lang kasi. Hindi ko inakala kahit sa bangungot man lang na kayang gawin sa'kin 'to ni Ara. Pinaikot ko ang mundo ko sa'kanya. Bakit nya 'to nagawa sa'kin. Umalis na agad ako sa harap ng bahay at dumaretso sa venue ng photo shoot. Tatapusin ko lamang ang trabahong 'to. Kahit hindi ko alam kung makakakilos pa ko ng maayos dahil sa nakita ko, hindi dapat madamay ang ibang tao.

Umuwi ako ng gabing 'yon at naabutan si Vic sa kwarto namen. Maaga syang umuwi ngayon, alas nuebe pa lang ng gabi.

Ara: Hi babe *halik kay Mika* Kumain ka na ba?

Mika: Oo, tapos na. Medyo pagod ako kaya magpapahinga na lang ako.

Dumaretso na ko sa banyo para maglinis ng katawan ang magbihis ng pantulog. Sumunod naman sa'kin si Vic at patuloy na nagsasalita sa may pintuan ng banyo.

Ara: Babe, yung promise mo ha, babawi ka sa'kin. Sige magpahinga ka na. Mukha ngang pagod na pagod ka. Masama ba pakiramdam mo? Gusto mo ng gamot o masahe?

Mika: Hindi na babe. Pahinga lang ang kailangan ko. Mahabang pahinga. Ngayon ko lang kasi naramdaman ang ganitong pagod babe. Yun bang parang wala na kong lakas.

Nangingilid na ang mga luha ko kaya agad na kong pumunta sa kama at humiga. Ganon din ang ginawa ni Vic. Nakatalikod ako sa kanya ng bigla nya ako yakapin.

Mika: Babe, yung bawi ko sa'yo, gusto ko matagal. Magli-leave ako ng 1week sa work. Pwede bang pahiram naman ako ng isang linggo mo? Friday bukas, papasok ako pero off na ko from Saturday until next Sunday. Pwede bang kahit isang linggo lang, sa'kin ka lang? Yung wala akong kaagaw. Yung walang kahati.

Naramdaman ko medyo nanigas si Ara sa sinabi ko. Madiin naman akong napapikit at hindi na napigilang tumulo ang mga luha ko.

Ara: Ano ba yang sinasabe mo babe. A-alam mo naman na, na wala kang kahati, ikaw lang ang mahal ko.

Ang guilty mo naman sumagot Vic. Naisip ko.

Mika: Ang trabaho mo ang tinutukoy ko babe. Alam ko naman na hindi mo kaya gawin sa'kin yon eh. Buo ang tiwala ko sa'yo. At kung magkamali ka man, alam kong sasabihin mo sa'kin agad at hihingi ka ng sorry. tapos babawi ka. Kasi di ba mahal mo ko?

Hirap na hirap ako sa mga salitang lumalabas sa mga bibig ko. Pero kailangan ko 'to. Bibigyan ko siya ng pagkakataon sabihin sa'kin ang totoo. Ganon ko sya kamahal. Kaya ko syang patawarin. Mahal na mahal ko lang kasi talaga sya.

Ara: O..Oo naman babe. Anu ba naman 'yang pinagsasasabi mo.. Sya nga pala, tumawag kaninang umaga si Dra. Domingo. Tinatanong kung kelan ka daw pupunta para sa IVF.

The day you went away (Mika Reyes & Ara Galang Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon