Kabanata 5

2.2K 31 0
                                    

"GOOD MORNING Loxien!"magiliw na bati sakin ni Martin at Manny sama mo na si Candy na inismiran lang ako na ikinangiwi ko bago nakangiting lumapit sa gawi nya at umangkla sa braso nya.

"Good morning beks"nakangiting bati ko pero tulad kanina,inismiran nya lang ulit ako.

"Si Candy binati mo pero kaming dalawa hindi.Nasan ang puso mo loxien?"natawa ako sa sinabing yun ni Martin.

"Galit kase tong si beks dahil sayo"nakangusong turo ko sa kanya.

"Bakit sakin?!"depensya nya agad kaya pinalo sya ni Manny sa balikat na ikinainis nya,away na naman to."Bat ka namamalo dyan,Manny?! Ano papansin lang?! May papansin dito! Papansin!"sigaw nya habang nakaturo pa kay Manny.

Inismiran sya ni Manny bago inambahan ng suntok."Isip bata! Maga-asawa ka na't lahat lahat isip bata ka parin! Umayos ka nga martin!"

"Ayoko nga! Eto kaya ang nagustuhan sakin ni Bea no-"

"Kaya cinareer mo? Siraulo!"inis pa nyang sabi bago ako nilingon at nginitian na ikinailing ko na lang."Good morning be!"masiglang bati nya sakin at niyakap ako dahilan para mawala ang pagkakaangkla ko kay Candy.

Ngumiti ako bago sya ginantihan ng yakap."Good morning din"

"Namiss kita!"

Natawa ako."Miss din kita.San ka ba kase nagsuot kahapon at hindi kita makita dito?"tanong ko sa kanya pagkahiwalay namin.

Nagtaka ako ng biglang mamula ang pisngi nya.

"What's wrong?"nagaalalang tanong ko.

"Hoy bakla! Anong ibig sabihin ng pulang yan sa mukha mo?"tanong sa kanya ni cCndy na ngayon palang nagsalita.

Umiling sya ng umiling."W-wala to-"

"Wala to!? Naku! Wag ako pinsan!"biglang sabat ni Martin habang nakangisi."Alam nyo.Kaya to absent si pinsan kahapon nakipagkita kase sya dun sa syota nyang koreano-"

"Ano?! May syota kang koreano?!"malakas na tanong ko kay Manny,masama ang ipinukol nyang tingin kay Martin bago nahihiyang tumango sa akin.Nanlaki ang mata ko bago sya inangklahan."We? Totoo? May syota ka talagang koreano-"

"Hahahaha!"tawa ni Candy."Kung makapagtanong si Loxien sayo bakla para syang hindi makapaniwala."natatawang sabi nya dahilan para mapangiwi ako at nakangiting binalingan si Manny na nakanguso.

"Hehehehe hindi lang talaga ako makapaniwal-"

"Hahahahaha!"

"Loxien naman eh!"inis na sigaw sakin ni Manny.

"Hahaha sorry!"natatawa na ring sabi ko.

"Ang sama nyo sakin!"inis nyang sabi dahilan para mas lalo pa akong matawa."Lalo kana Loxien!"

"Sorry na"pigil tawang sabi ko."Pero totoo nga?"

"O-oo"

"Oh anong nangyare sa date nyo?"

Namula sya kaya umugong ang malakas na tukso ng dalawang kumag sa kanya.

"Yieeeee si insan namumula!"si Martin.

"Hahahaha bakla di bagay sayo!"sabat din ni Candy.

"Mga sira!"pigil ngiting sabi nya.

"So ano ngang nangyare?"nakataas kilay na ulit ko.

Tumikhim sya."Ahm..nagcoffe kami sa may labas tapos..gumala kami sa may mall-"

"Ang boring naman ng date nyo!"biglang sabat ni Martin."Kung kami ng honey ko yan baka mas grande pa ang samin dyan! Tsk pwee ang boring!"sabi nya at kunwari dumura sa may gilid,baliw talaga.

My Boss, My Lover!Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang