Kabanata 4

2.2K 41 1
                                    

Loxien POV

Dumaan ang araw na hindi kami nagkakausap ni Martin.Tila ba parang hindi namin reach ang isa't isa kahit ang sa totoo lang ay magkatapat lang ang cubicle namin.

Napairap ako ng mapansin kung dumaan sya sa gilid ko para pumunta sa loob ng opisina ni Sir.Hindi ko na lang sya pinansin at pinagpatuloy lang ang ginagawa ko.

Hindi ko rin naman maririnig ang kwentuhan nila dahil sound proof iyon,magsasayang lang ako ng lakas pag ginawa ko yun,tsk.

Maya maya ay napansin kung bumukas at iniluwa sya,pero hindi ko sya pinansin.Bahala sya sa buhay nya,hanggang sa napatingin na lang ako sa kanya dahil ang tagal na nyang nakatayo dun.

Handa ko na sana syang sigawan at singhalan ng mapansin kung nakatungo sya habang nakatagilid.

Anong problema ng isang to?

"Martin?"kuha ko ng atensyon nya.

"L-loxien..may aaminin ako sayo."sabi nya dahilan para matigilan ako at kabahan ng matindi,sa tono ng pananalita nya parang napakalalim ng pinanghuhugutan nya.

Lumunok ako bago sya takang tingnan at lumabas ng desk ko.Nakatayo lang kase ako magdamag dito dahilan para sumakit ang paa ko,buti na lang talaga sana'y akong mag heels kaya hindi ako masyadong nahihirapan.

"A-ano yung problema?"

"Yung nabuntis kong babae-"

"O anong nangyare?! Tinanggap ka pa ba?! Ano?! Sabihin mo! Lintik pabitin!"tumawa sya kaya sinamaan ko sya ng tingin bago inirapan at nagcross arms sa harapan nya."Hindi ibig sabihin na kinausap kita bati na tayo.Asa ka no!"

Humawak sya sa braso ko at parang nagmamakaawang tumingin."Bati na kase tayo Loxien! Please! "pagpupumilit nya pero inirapan ko lang sya.

"Ano muna yung sasabihin mo sakin?"

Tumawa sya."Tinanggap na ako nong nabuntis ko at ang masaya pa dito nanganak na pala sya at lalake ang anak namin!"masayang sabi nya dahilan para mahawa rin ako at masyang hawakan sya sa balikat bago iniyugyog.

"Congrats! Tatay kana ay hindi dati pa pala! Pero natutuwa ako para sayo!"

"Salamat at ang isa pang balita ko sayo..ikakasal na kami sa susunod na buwan!"sabi nya na ikinataka ko pero sa huli ay ngumiti din.

"Bakit parang napa-aga ata? At bakit ang bilis? Kakabati nyo lang ha?"

Ngumiti sya."Marami akong kaagaw sa babaeng yun..kaya itatali ko na sya habang ako pa."

Possessive, Ngumiti ako."Sige dahil dyan sa balita mo..bati na tayo!"masayang sabi ko.

Nagulat na lang ako ng bigla nya akong yakapin ng mahigpit na ikinatawa ko na lang sa huli.

"Salamat talaga Loxien! Kahit alam ko ng magkakabati tayo!"

"Baliw!"

"Daddy nako!"

"Alam ko!"

"Back off."napatigil kami ni Martin ng may biglang nagsalita sa gilid namin."Back off Martin..away from Loxien!"matigas at walang bakas ng emosyong sabi nang lalakeng nasa likod namin.

Dahan dahan akong kinabahan bago unti unting inalis ang pagkakayakap kay Martin,kilalang kilala ko kaninong boses yan.Araw araw ko ba naman tong naririnig!

S-sir Right!

Nilingon ko iyon na may halo halong emosyon,bumungad sakin ang nakapamulsang boss namin habang walang emosyon na nakatingin sa akin dahilan para kabahan ako ng matindi! Wala naman akong ginagawang masama kaya hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit ako kinakabahan!

Hindi ko alam kung bakit ko to nararamdaman,tsk.

"G-good morning S-sir.R-right!"nauutal na sabi namin ni Martin bago nagkatinginan.

"Martin."baling nito kay martin dahilan para makahinga ako pero nandun parin yung kaba sa loob ko."Diba may trabaho akong inutos sayo? Nasan na yun? Kaylangan ko na yun ngayon-"

"What Sir?! Ngayon nyo na kaylangan yun! Diba sabi mo sakin kanina bukas pa-"

"Ngayon na."huling sabi nito bago kami tinalikuran.

"Ngayon na.."mahinang bulong ni Martin na dinig na dinig ko dahil sa lapit namin."Ngayon na! Ngayon na daw!"biglang sabi nya at kumaripas ng takbo papapunta sa may desk nya.

Ako naman ay parang wala sa sariling napapunta ulit sa may loob ng desk ko at dun nakapanlumbabang tumingin kay Sir na medyo malayo na pero tanaw ko pa rin sya.

'Away from Loxien..'

Katagang nagpagulo sa utak ko at nagpalakas ng tibok ng puso ko.Simpleng salitang maraming laman  kahit ang sa totoo lang wala.

Anong ibig sabihin non?

Hanggang sa makauwi ako sa may condo ko,hindi mawala wala sa isipan ko ang sinabing yun ni sir,hindi na rin bumalik si sir simula non kaya ikinataka ko iyon ng todo.Baka may bussiness trip ulit sya,ilang beses ko ng sinabi yan sa sarili ko pero iba ang sinasabi ng isip ko.

Habang nanunod ng tv ay may biglang kumatok sa may pintuan ko dahilan para kumunot ang noo ko at dahan dahan iyon puntahan pero bago iyon ay kinuha ko sa may gilid ng pintuan ko ang baseball bat kong nakahanda dun.

Wala kase akong inaasahan na bibisita sa akin sa ganitong kagabing oras.Sumandal ako sa may gilid ng pintuan at dahan dahan iyong binuksan.

May kamay na humawak sa pintuan ko dahilan para maalarma ako at madali iyong hinarap at akmang hahampasin  na ng biglang.

"Waaaaaaah!"delivery boy? Anong ginagawa ng isang to dito sa tapat ng condo ko?!"Miss! Kalma ka lang! Ide-deliver ko lang sayo tong bulaklak!"sabi nya habang nakapikit ang matang inabot sa akin ang bulaklak.

Napahiya naman akong dahan dahan ibinaba ang hawak ko at isinandal ulit iyon sa may gilid ng pintuan ko bago sya takang tingnan at ngitian.

"Baka nagkakamali ka lang ng pinag-deliveran kuya."

Umiling sya habang bakas parin ang takot sa mukha nya na ikinagiwi ko,ganon ko ba talaga sya natakot,tsk nasobrahan ata.

"S-sayo talaga to Mam.N-nakalagay pa nga dito yung n-number ng condo mo at diba ikaw si M-mam Loxien Sea Miranda?"sabi nya dahilan para kumunot ang noo ko at takang napatingin sa sunflower na hawak hawak nya.

Sino naman ang magbibigay sa akin nyan?

"P-pirma ka na lang dito Mam"sabi nya at may ipinapirma sa akin na alinlangan ko namang pinirmahan,humingi na rin ako ng sorry sa kanya sa ginawa ko kanina.

Hindi nya ako sinagot at basta na lang tinakbuhan na ikinangiwi ko.

Isinara ko ang pinto at dumiretso sa may sala ko at taka iyong tiningnan.

"Kanino ka galing?"parang tangang tanong ko sa bulaklak na para bang sasagot iyon,napailing na lang ako bago yun inamoy."Hmmm...paborito kitang bulaklak kaya hindi kita itatapon..pasalamat ka"nakangiting sabi ko bago napansin ang isang maliit na sobre na nakalagay sa may gilid non.

Sulat?

Taka ko iyong kinuha,inilapag ko sa may gilid ko ang bulaklak na hawak ko at binuklat iyon para basahin.

From: Your Guy

Your guy talaga?tsk.

Im jealous loxien.Im very very jealous.

Loxien Sea Miranda,my dear.

"Grrrr..nakakatakot naman ang nagsulat neto pero infairness ang ganda ng sulat nya..sulat pang mayaman"sabi ko sa sarili ko bago iyon inilapag sa may lamesa ko,bigla kase akong kinabahan ng mabasa ko iyon.

Para kaseng kakaiba,hindi ko magawang kiligin dahil nangunguna ang kaba ko.

Stalker na baliw?

Continue...

++Vote,Share,Comment the best thing that you do++

My Boss, My Lover!حيث تعيش القصص. اكتشف الآن