Kabanata 3

2.6K 35 0
                                    

Loxien POV

"Good morning,Loxien!"sabay sabay na bati sakin ng nga katrabaho ko pagkapasok ko palang ng kompanya.

Nginitian ko sila bago magiliw na kinawayan."Good morning din!"

Mag tatlong araw narin ang lumipas simula nong matanggap ako sa kompanyang to at masasabi ko namang maayos ang pagtanggap nila sa akin, at sa maikling panahon na yun marami na akong naging kakilala dito at naging kaclose.

Isa na dun yung dalawang magpinsan na laging buntot ng buntot sa akin pati si Candy na syang tagapagligtas ko sa dalawa.Yung dalawa kase laging may dalang away kahit saan kami magpunta.Ang sakit sa tenga ng mga bunganga nila,mabuti na lang talaga nandyan si Candy para itakas ako sa kanila.

At yung boss namin? Ayun hindi ko pa nakikita ng dalawang araw dahil nasa ibang bansa daw to dahil sa appointment nya at masaya ako dahil dun,matapos kase ang nangyare nong nakaraan ayoko munang humarap sa kanya,nakakahiya kase yung pa-entrance ko!

Pero may sabi sabi dito na mabait daw yun si Sir,halos lahat ata nagsabing mabait sya.Sana nga lang talaga mabait sya.

"Good morning,Loxien!"bati sakin ni Emar,isa sa nga madali kong naka-close.

"Morning!"magiliw na bati ko bago naglakad papalapit sa may elevator,huminto ako at pinindot ang 60 floor.

"Aakyat kana?"

Tumango ako."Yes."

"Sabay na tayo."

Nakangiting tumango lang ako.

"Loxien!"napalingon ako sa may gilid ko ng may biglang tumawag sakin don.

Bumungad sakin yung dalawang magpinsan na naguunahang lumapit sa akin.Masama ang tingin nila sa isa't isa dahilan para mapailing ako,panibagong araw panibagong away,tsk.

"Morning."bati ko sa kanila at pumasok papasok ng elevator.

Sumunod din sila at kahit nakasakay na sila ay masama pa rin ang tingin nila sa isa't isa,bumuntong hininga ako bago sila inakbayan."Bat kayo magkaaway?"tanong ko.

"Eh ayan kase ang kapal ng mukha! Sabihan ba naman daw akong mabaho ang hininga!"atungal ni Manny habang nanggigil na nakaturo kay Martin.

Mas lalong sumama ang mukha ni Martin."Totoo naman! Atsaka ikaw ang mas makapal ang mukha sateng dalawa! Panget ka na nga mabaho pa hininga mo!"sabi nito dahilan para mapailing ako.

"Fuck you! Baog ka naman at walang syota!"

"Baog? Baka! Madami na kaya akong nabuntis di ko lang sinasabi sa inyo-"

Ngumisi si Manny,mukhang nanalo sya.Si Martin naman ay parang natigilan at nagmamakaawang tumingin kay Manny na ngayon ay nakangisi na,ngising tagumpay.

"M-manny,wag m-mong s-sabihin k-kela m-mama-"

Tumawa si Manny na ikinangiwi ko."Patay ka ngayon!"sabi ni manny at pagkabukas palang ng pagkabukas ng elevator kumaripas na sya ng takbo bago binelelatan si Martin na ngayon mukhang batang nawalan ng nanay.

Tumawa ako bago sumunod lumabas ng elevator.Naabutan ko si Candy na lumabas sa pangalawang elevator,nginitian nya ako bago inginuso si Martin.

"Oh te? Anong nangyare dyan?"tanong nya pagkalapit sa amin at inangkla nya ang braso nya sa braso ko.

Tumawa ako ng mahina."Nagasaran kase silang magpinsan,natalo sya."

"Tsk eh bakit parang luging lugi sya?"

"Sa asaran kase nilang yun may naamin syang hindi dapat"sabi ko bago tumawa.

"Eh ano naman yun?"

"Marami na daw syan-"naputol ako sa pagsabi ng biglang tinakpan ni Martin ang bibig ko!

"Loxien! Wag mo ng ipagkalat,nasan ang puso mo?!"mangiyak ngiyak nyang bulong sa akin,mahina akong natawa.

Tumango ako dahil wala syang balak na bitawan ako hangga't hindi ako na ngangako.

"Promise?"tumango tango ako habang nagpipigil ng tawa,lumagitik sya bago ako binitawan."Sira talaga yung pinsan kung yon! Di man lang ako pagbigyan! Tsk! Patay ako sa Mama ko neto!"

"Totoo talaga na marami kang-"

"Loxien! Nangako ka sakin!"inis nyang sabi dahilan para matawa ako.

"Hoy te! Ano ba yang kinukulerkey nyo dyan?"biglang tanong sakin ni candy habang mataray na nakatingin sa akin,nginitian ko sya.

"Sorry,Candy bawal kung sabihin sayo nangako kase ako kay Martin eh."

"Tsk! Masekreto kayong nilalang! Hmp!"sabi nya bago kami tinalikuran,natawa naman ako dahil sa inasal nyang yun.

"Sorry talaga,Candy!"pahabol kung sigaw,nilingon nya ako bago inirapan.

"Don't talk to me!"sabi nya bago kami tinalikuran at malandi naglakad palayo,napatawa nalang ako ng mahina dun bago hinarap si Martin.

"Loxien tulungan moko!"nanghihining tulong na sabi nya pero inilingan ko lang sya.

"Hindi kita tutulungan.Atsaka bakit madami kang binuntis-"

"Hindi madami!"

"Eh bakit sinabi mo kanina kay Manny na madami ka ng nabuntis?"tanong ko.

Sinenyasan nya akong ilapit ko ang tenga ko sa kanya,bumuntong hininga naman ako bago pilit na inilapit sa kanya ang tenga ko.

"Sa totoo nyan..isa lang yung nabuntis ko..ang kaso di ko mapanagutan dahil naduduwag ako at hindi pa ako handang maging---ARAY!"

"Aray talaga! Siraulo ka pala eh!"inis kong sigaw sa kanya bago mas inipit pa ang tenga nya.

Gago pala to eh! Matapos nyang buntisin sasabihin nya sa aking hindi pa sya handa! Siraulo! Pero nong pinutok mo yang ano mo handang handa ka! Letse!

"Aray ko Loxien!"

"Panagutan mo yun!"inis kong utos sa kanya!

"Ayoko!"

"Anong ayoko?! Pano yung bata?! Hindi mo ba iniisip yung bata-"

"Hindi!"sabi nya pa kaya mas lalo kung inipit ang tenga nya.

"Kawawa yung babaeng binuntis mo at batang naging bunga nyo! Walang kamuwang-muwang yung bata,Martin! Nasan ang puso mo?!"

"Hindi pa talaga ako handa loxien!"

"Kelan ka magiging handa?! Kung kelan wala na! Ayaw na sayo ng bata at kung kelan matanda na yung bata! Tsk! Panagutan mo yun!"inis ko na talagang sabi.

Inis na inis kase ako sa mga taong nangiiwan,ayoko kaseng maramdaman ng iba ang naramdaman ng nanay ko nong iwan kami ng tatay ko nong bata pa ako!

Masakit yun-Sobrang sakit!

Bumuntong hininga ako bago inis na binitawan ang tenga nya."Kung hindi mo gagawin yung sinabi ko sayo..magkalimutan na tayo.Ayoko kaseng mapa-kaibigan sa maling tao at duwag na tulad mo"sabi ko bago sya tinalikuran.

Ayaw na ayaw ko sa mga taong nananakit,puro lang sakit ang pasakit nila sa mga tao.

Napahinto ako.

"Duwag na ba yun para sayo?"tanong nya kaya dahan dahan ko syang nilingon.

"Oo."diretsang sabi ko bago nagpatuloy sa paglalakad.

Kung ganon din pala ang uri nya,mas mabuti na ngang layuan ko na sya,ayokong maging kaibigan ang isang tulad nya.

My Boss, My Lover!Where stories live. Discover now