Kabanata 2

3K 57 1
                                    

Loxien POV

"Our new secretary! Loxien Sea Miranda!"sigaw nong babaeng naghire sa akin dito habang nakaturo ang dalawang daliri sa akin at pumapalakpak naman ang iba,nahihiyang napatingin ako sa kanya bago tumungo dahil sa kahihiyan!

Kaylangan pa ba ng ganito?! Tsk  Mukha akong tanga dito!

"Loxien Sea Miranda!"ulit na naman nya pagkarating ko sa pwesto nila,napalagitik ako ng mahina dahil dun.

Nakakahiya!

Ang daming nakatingin sa akin pero hindi naman sila natawa,nakangiti lang silang lahat habang nakatingin sa gawi ko—pero kahit na! Nakakahiya parin!

Napatingin naman ako dito sa kaharap kong lalaking parang gulat na gulat habang nakatingin sa akin.Naka bussiness suit ito at sa palagay ko sya ang boss dito,madali akong napatungo dahil sa naisip kong yun.

Kung sya ang boss dito—tsk! Nakakahiya na talaga! Ano ba kaseng kamalasan to?!

Napaangat ang ulo ko ng biglang tawagin nitong babaeng katabi ko ang boss namin."Sir?"hindi sumagot si boss.

Gulat parin syang nakatingin sa akin dahilan para mailang ako sa paraan ng pagtingin nya.Nagbaba ulit ako ng tingin!

Ang gwapo nya pero nakakatakot syang tumingin! Parang sinisira nya ang dignidad ko!

"Sir..?"ulit nong babae.

"W-what?"nauutal na sabi ng boss namin dahilan para mapaangat ako ng tingin.

Ang ganda ng boses nya

Loxien Sea Miranda! Ang landi mo!

Pero nakakagwapo eh

"What's the matter,Sir? Do you have any problem with her?"tanong nya dahilan para mapatigil ako.

Mukhang hindi ako lusot sa trabahong to,napailing na lang ako dahil dun.Sa katunayan nga nyan hindi naman talaga problema sa akin ang pera ang kaso sayang.

Sayang talaga pero wala akong magagawa,ititigil ko na lang tong kalokohan ko pag hindi ako natanggap atsaka habang hindi pa alam nila Mommy tong kalokohang ginawa ko na naman,hindi naman ako kapos at hindi din ako mahirap,sadyang napagtripan ko lang talagang magtrabaho dahil naboboring ako sa buhay ko.

Tumango ako bago nginitian ang boss namin."Naiintindihan ko po kung ayaw nyo sa akin-"

"I like you."bigla akong nagulat dahil sa sinabi nyang yun at alam ko ding pati tong mga kasama ko ay nagulat din.What the heck?! H-he like me daw? Baltukan ko kaya to kahit isa lang! Ngayon lang tayo nagkita boy! Nakakahiya.Para namang natauhan sya sa sinabi kaya nginitian nya ako bago umiling ng umiling at namulsa."I mean..I like you.. to be my new secretary."sabi nya dahilan para makahinga ako ng maluwag pati din tong mga kasama ko,ngumiti ako ng pilit.

"Thank you,Sir"naiilang na sabi ko.

Ngumiti sya bago ako tinalikuran at nagsimulang maglakad papunta sa may office nya.Huminga ako ng malalim bago pinakiramdaman ang sarili ko.

Grabe yung pawis ko sa may dede ko! Lintik! Nakakahiya yun lalo na yung pa entrance ni mayor tsk!

"Kyaaaaaaaah!"gulat akong napatingin dito sa babaeng kaharap ko ng bigla syang tumili bago ako hinawakan sa magkabilang braso at iniyugyog ng iniyugyog."Kyaaaaaah! I can't believe! I cannot!"sabi nya at tumalon talon pa!

Eh?

"Hoy! Manny tumigil ka! Tinatakot mo yung bata."tawa tawang sabi nong bakla habang papalapit sa amin.

Mukhang babahain nila ako sa tanong,tsk kaylangan kong makaalis agad dito habang isa palang ang lumalapit!

"Ahm..M-manny? Tama? Ahm,pwedeng ihi m-"

"Hindi pwede! Kaloka kang babae ka! Pinaligaya mo ako ng todo todo ngayong araw!"sigaw nya dahilan para mapangiwi ako,ilang mic ba ang nakalagay sa ngalangala ng isang to?."Kyaaaaaaah! Hindi talaga ako makapaniwala na tatanggapin ka nya agad! Yung kaseng si Sir masyadong pa choosy! Gustong kinikilatis muna ang mga bagong hire bago tanggapin! Kyaaaah! Im so proud of my self!"parang maiiyak na sabi nya pa habang pinapahid ang pisngi nyang wala namang luhang nalalaglag.

Ganto ba talaga sila? Pero parang masaya silang kasama.

Umismid yung bakla."Hoy bakla ka ng taon! Im so proud of my self ka dyan..mukha mo! Hoy te! Gumising ka! Kaya napasok agad tong si Ate girl ay dahil mukhang magaling sya! Hindi dahil sayo! Mukhang nakilatis sya ng mabuti ni Sir kaya natanggap agad! Pinagsasabe nito! Tigilan moko bakla!"

Inismidan din sya nitong si manny."Ikaw ang magtigil bakla! Bakla!"

Inirapan lang sya nong bakla bago ako nilingon at nginitian na para bang walang nangyare."Hi! Im Ken Dy short for Candy!"pagpapakilala nya dahilan para mahina akong matawa.

"Loxien Sea Miranda, nice to meet you."pagpapakilala ko.

"Nice to meet you din.Girl ano bang sekreto mo at ang ganda mo?"sabi nya at parang close na lumapit sa akin bago inikot sa kamay nya ang kulot na dulo ng buhok ko.

Nahihiyang umiling ako."Hindi naman."

"Pa humble? I see,yan ang gusto ko ayaw ko kase sa iba dyan!"sabi nya habang inilalapit ang mukha kay Manny na sobrang sama na ng tingin sa kanya.

"Sige bakla ituloy mo yang sasabihin mo kung ayaw mong alisan kita ng kaligayahan!"banta ni Manny pero tinawanan lang sya ni Candy.

"Basta ba palitan mo ng ari na katulad ng sayo.Ano? Deal ba?"

"Siraulo! Hapit na hapit ka na talagang maging babae no!"

"Candy! Manny!"napalingon kami sa may gilid namin ng may biglang tumawag sa kanila.Bumungad samin ang isang lalaki na natakbo palapit sa amin."C-candy.."habol hiningang sabi nya pagkalapit sa amin bago kumapit sa may braso ko na ikinagulat ko."Ay sorry!"panghihingi nya ng tawad bago madaling inalis ang kamay nyang nakahawak sa braso ko.

Ngumiti lang ako."It's okay."

"Ahm, wait, sino ka nga pala? Ikaw ba yung naririnig kong bagong hire dito sa company?"tanong nya kaya tumango ako.

Kumalat na pala sa buong building nato ang tungkol sa pagkakatanggap ko.

"Im Loxien."pagpapakilala ko.

"Im Martin,pinsan ko tong babaeng si Manny."sabi nya sabay ngisi sa gawi ni Manny na inirapan lang sya.

"Pinsan kayo?"tanong ko kay Manny,para namang tamad syang tumango bago inismiran si martin.

"Oo, pero hindi halata dahil hindi kami magkamukha atsaka wala din sa lahi namin ang ganyan ka abnormal!"

"Ang sama!"

"Alam ko!"

"Demonyo ka!"

"Sumosobra kana!"

"Ikaw din"

"Suntukan na lang oh!"

"Sige hindi kita aatrasan dyan!"

"Te alis na tayo dito.Ihatid na lang kita sa pwesto mo"mahinang sabi sa akin ni Candy bago ako hinila paalis.

"Pano sila?"baling ko kila Martin at Manny na parang aso't pusang nagaaway.

"Pabayaan mo silang dalawang magpinsan na magpatayan.Atsaka di naman nila sasaktan ang isa't isa.Hindi lang halata pero mahal nila ang isa't isa,mga mukha lang talaga silang tanga"sabi nya at hinila ako paalis.







Continue...

++Don't forget to vote and comment++

My Boss, My Lover!Where stories live. Discover now