" Kahit na "
Akala ko sa pag iwas ko't sa pag pigil ng aking nararmdaman sapat na yon para maiwas ko muli ang aking sarili sa sakit na maari ko nanamang maranasan ngunit mali pala ako dahil huli na't ako'y nasktan pa rin
Nalunod na hindi mo sinagip
Nahulog na hindi mo sinalo
At Lumuha na hindi mo batid
Ngunit ganun pa man pilit na tinatanggap na maging masaya nalmang para sayo
Kahit na hindi ako ang dahilan ng pag ngiti mo
Kahit na hindi ako ang nagbibigay liwanag sa bawat araw mo
Kahit na hindi ako ang bukangbibig at laman ng puso mo
Kahit na hindi ako ang kasama sa mga mahahalagang araw sa buhay mo
Kahit na nasasaktan
Kahit na mahal na mahal ka ngunit mahal mo'y iba
Kahit na . . . Ay ayos lang
Dahil ang gusto ko lamang ay ang maging masaya ka kahit sa piling pa ng iba . .
YOU ARE READING
Unspoken Poetry
PoetryMga pangungusap na kailanman ay di nagkroon ng tinig.. My own written poems Ranks #1 tagalogpoems #142 Tula # 107 Tula # 80 Free verse