Nakita ko siya may lungkot sa kanyang mga mata.
Nangingilid ang luha tinatago ang bawat patak at iniipon ang bawat sakit, hinagpis at lungkot na kanyang nadarama sa kanyang puso at ako walang ibang magawa kundi ang tumingin at nang magtama ang aming paningin ay pilit na nangungusap ang aking mga mata at nagsasabing
"Pwede mo mong lapitan at masabihan ng anumang bumabagabag sa iyong loob" Ngunit sa mga titig ko lang iyon nasasabi ang mga pangungusap na kailan man ay di nagkaroon ng tinig
Kahit gano ko pa man naisin na maipadama saiyo ito kailan ma'y di ko magagawa dahil alam kong di ako ang nais mong makapiling sa oras ng iyong kalungkutan ..
Hindi mo man ipinapakita at iyong tinatago sa iyong mga ngiti ang bawat patak ng luha at hinanakit na iyong kinikimkim nais kong malaman mo na narito lang ako at handang maging karamay mo.
BINABASA MO ANG
Unspoken Poetry
PoetryMga pangungusap na kailanman ay di nagkroon ng tinig.. My own written poems Ranks #1 tagalogpoems #142 Tula # 107 Tula # 80 Free verse