TFE 3

14 1 0
                                    

Farsia POV
Nagising ako dahil sa huni ng mga ibon sa labas, Ang unang pumasok agad sa aking isip,Nasaan na kami? Ang naalala ko ay nasa kusina kami na nagritual para makapunta kung nasaan mam ang aming mga kalahi at Nasaan sila?, hindi kaya naging mga tutubi na kami? Tapos nasa isa kaming bahay-bahayan para sa mga tutubing kagaya ko? mas maganda sana kung sa paru-paru sana ako hakhak!

"Bakit ka tumatawa?" Tanung sa akin ng isang bata na napakacute nito ang laki ng pisnge.

"Hindi ah! Imagination talaga ng bata ngayon ibang iba sa amin" sabi ko na lamang sa kanya bigla itong tumakbo ng nakabilis. Wow sabi ko sa aking isip.

"Geeeeee! Gising kana girl haba ng tulog mo! Hahaha may gatas ka pa sa labi hahaha." Sabi niya sa akin.

"Huh? Nasaan? Hala!?" Sabi ko sa kanya at kinapa kapa pa ito para malaman, tama nga siya pero nga hehe. Nekekeheye tuloy hekhek.

"Bilis na girl! May gustong kumausap sa atin. Ikaw na lang ang hinihintay" Sabi niya sa akin habang hinihintay ako.

Binilisan ko ang tanggal para hindi na nila makita nakakahiya. Binilisan ko na lang para makasabay ako kay Hernia.

"Hernia! Nasaan tayo?" Bulong ko sa kanya dami kasing nagbabow sa amin habang naglalakad kami sa walang katapusang daanan dito.

"Girl don't worry safe tayo dito." Sabi niya sabay kindat lagi niyang ginagawa yan hindi naman niya kinakaganda pero maganda siya bitter lang ako sa ganda kakaiba kasi lalo ng yung buhok niyang napakakintab.

Nandito na tayo, girl." Sabi niya sa akin.

Pagbukas ng pintuan na napakalaki at kusang akong napanganga, hindi pa talaga ako sanay sa mga ganito,sa amin kasi ay puro palayan pero sana'y naman ako sa hirap kaya hindi na ako nagiinarte. Grabe napakaganda niya lalo na yung may tubig na lumalabas tapos may isdang nanduon foundation o fountain yata yun matanung nga.

"Hernia, anong tawag sa may lumalabas na tubig dun oh!" Tinuro ko yun.

"Fountain yun girl, why?" Sabi niya parang nagtataka.

"Ah akala foundation hehe" sabi ko na pabulong.

"Funny ka talaga girl hahahaha, halikana punta na tayo kila Leafny at Vladine." Sabi ko sa kanya.

Pumunta na kami, nakita ko na si Leafny at Vladine nakangiti sa aking napansin ko yung lalaking nakaitim para pamilyar siya.

Humarap na siya sa amin nagulat ako dahil ang gwapo niya perpekto yata ito, maputi, kulay ng mata niya kulay dark blue lalo siya gumagwapo at yung tangos ng ilong niya grabe sarap pisilin. Hindi ko maintindihan bakit ganito yung feeling ko para akong nahihiya, na may bulate sa akin t'yan parang gumagalaw.

"Magandang umaga sa inyo mga binibini. Ako nga pala Zeruis. Sa emperyo ng mga Diwata. Sana ay Pagpasensiyahan ninyo ako dahil sa pwersa ko kayong pinapunta dito dahil kailangan namin kayo." Sa huli niyang sabi ito'y nakatingin sa akin o naghahalucinate lang ako.

"Bakit mo kami pinapapunta dito?" Sabi ni Leafny.

"Oo nga kuya bakit ninyo kami pinapapunta dito?" Sabi ko.

Bigla silang tumingin sa akin na parang nagtataka. Pagkatapos nun bigla silang nagtawanan.

"Bakit?" Tanung nila sa akin.

"Hahaha, Hindi natin siya kuya Farsia hahahaha" sabi ni Vladine.

"Ay? Peace ho hindi ko alam" sabi ko at yumuko na lamang.

Natapos ang mga tawanan nila at bumalik na sila sa usapan namin.

"Hindi na ako magpaligoy-ligoy pa pinapapunta ko kayo dahil may mission kayo dito sa mundong ito, kailangan ninyong hanapin at kunin kay Sandrina ang mga kaluluwa ng aming pasilyo." Sabi niya sa amin.

"Sandrina, sino ito?" Sabi ni Leafny.

"Si Sandrina ay isang mangkukulam ng ibang emperyo kinuha niya sa amin ang kaluluwa ng pasilyo." Sabi nito kay Leafny.

"Kaluluwa?" Sabi ko naman.

"Ang kaluluwang sinasabi ko ay ang dyamante sa aming emperyo." Sabi niya sa akin.

"May iba't ibang dyamante ang mga emperyo at hindi lang kami ang nawalan dito kundi ang Emperyo ng Bampira, Lobo, Sireno at ang amin sa mga Diwata. Ang dyamante na ito ay makapangyarihan dahil pwede itong buhayin ang patay na. Sabi nila bubuhayin ng mangkukulam ang nagiisang anak niya na si Dana na may kakayahang maging apat at kunin ang kapangyarihan ng bawat Emperyo kaya kami natatakot baka ito ay gumagawa na ng mga hakbang, pero magagawa lamang niya ito kung kakainin ng araw ang buwan."

"Paano namin matatalo ang mangkukulam kung hindi namin alam kung paano gamitin ang kapangyarihan namin?" Sabi ni Vladine.

"May dalawang buwan pang natitira upang kayo ay magsanay hindi lamang ako ang magsasanay sa inyo." Sabi ni Zerius.

"Sino?" Sabay sabay naming sabi kau Zerius.

"Ang mga nawalan din ng mga dyamante. Bukas na bukas ay pupunta sila dito para sanayin kayo at sa susunod na buwan ay maglalayag na tayo upang kunin ang mga dyamante sa kamay ng mangkukulam." Sabi niya.

Pagkatapos ng usapan namin pumunta ulit kami sa mga kwarto naming apat sabi namin na magkasama sama na lang kami dahil mas maganda iyon.

Leafny POV

Nandito na kami sa isang kwarto ilang oras na din kami dito siguro magkukulimlim na, napagdesisyon namin na magkasama na lamang. Naguusap kami ngayon dahil hindi pa lumalabas ang kapangyarihan namin.

"Natry ko na yung kapangyarihan ko" sabi ni Farsia sa akin.

"Sa akin hindi pa girl, nakakainggit" sabi ni Hernia.

"Sa akin hindi parin." Sabay naming sabi ni Vladine.

"Paano mo natry Girl?" Sabi ni Hernia kay Farsia.

"Yun nga problema ko, nakalimutan ko na ang tagal na nun at bata pa ako." Sabi niya sabay kamot sa ulo.

"Gusto ninyo girls! Punta tayo sa labas tapos itry natin?" Sabi ni Hernia sa amin.

Nagtinginan lamang kami at sumang-ayon kay Hernia. Papunta na kami sa labas ng pasilyo. Napakaganda pala nito kung titignan ang kabuuan. Nagtataka ako kung paano nakuha ang dyamante dito? Napakalakas siguro nito.

"Girl! Bakit ka huminto?" Sabi sa akin ni Hernia.

"Wala may naalala lang ako." Sabi ko sinabayan na ang lakad nila.

Papunta na kami sa labas sinubukan ko ang aking kapangyarihan sa mga halaman. Hindi ko alam kung bakit ayaw gumana. Kay Farsia,Hernia at kay Vladine hindi rin ito, ilang oras na siguro kami dito pero wala parin ito malalim na rin ang gabi

"Hay nakakapagod naman ito." Sabi sa amin ni Farsia at sabay upo sa mga damo.

"Oo nga girl, nakakastress pala ito." Sabi ni Hernia.

"Paano kaya natin ito makakayanan?" Sabi ko sa kanila.

"Nasaan yung libro?" Sabi ko sa kanila.

"Nasa akin!" Sabi sa akin ni Vladine.

"Tignan mo kaya girl baka meron yan paraan para makuha natin yung kapangyarihan natin." Sabi ni Hernia na excited pa.

Tinignan namin ito blanko ang sumunod  page, ang nakikita lamang namin kung ano yung sinasabi namin para makapunta dito. Nako... wala parin pala ito. Pumasok na lang kami na malungkot dahil alam namin wala rin kaming mapapala dito kaya nagbihis na lamang kami ng pantulog para matulog na lang para bukas may lakas kami sa gagawin naming ensayo.

U.B

The Four EnchantressesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon