The Four Enchantresses

20 2 0
                                    

A/N: Yow! Mga kababayan ito ay isang kalokohan este katangisip lamang, gusto ko lang i-express yung mga nasa isip ko at sana magustuhan ninyo alam kung may mga wrong grammar kasi nga sa cellphone lang ako gumagawa nito (skl WMP) hehe. Alem ko nemen na seney nemen me (punas sipon sa katabi)

Girl 1: Ang drama mo na otor! Haha.
Girl 2: Ewww! Yuck nemen.
Girl 3: Hay....si Otor talaga.
Girl 4: Usap lang, walang punas sa katabi Otor simulan mo na excited na ako! Hakhak!

Otor: Alis! Alis! Bakit kayo lumabas!? Abaaaaa mamaya pa kayooo! Wag na kayong sumabat makisabay na lang kayo! Hehehe.

A/N: Pasensya na guys lumabas agad yung apat! Sige na sisimulan ko na sana magustuhan ninyo!

Nagmamahal
S.D

PROLOGUE

Pagmulat na aking mga mata, napansin kung nasa dilim ako walang akong makitang liwanag. Pinagmasdan ko ang aking paligid. Hindi ko matandaan kung bakit ako nandito sa lugar na ito? Sino ang nagpunta sa akin? Nasaan ako? Bigla na lamang may nagsindi ng kandila sa kanan ko at may napansin akong isang babaeng nakayuko ito kaya hindi ko makita ang kanyang mukha.
At nagbukas na din ang kaliwa kaya may nakita akong dalawa pa. Ilang beses kong tinignan ang mga ito pero hindi ko sila mga kakilala. Yung isa sa aking kanan ay naalimpungantan na ito, tumingin din siya sa paligid at.....

"What the heck! Nasaan ako!?" Tanung niya at nagpupumiglas ito nakatali ang aming mga kamay at paa kaya hindi mo magagawang umalis sa iyong pwesto.

"Hindi ko alam" yun na lamang ang aking sinabi sa kanya.

Nagising na rin yung dalawang babae, pero nagulat sila dahil ganon ang pwesto.

"OhEmGeeeeeeeeeee" tili ng isa.

"Ang ingay naman!" Sabi ng katabi niya.

"Tumigil nga kayo!" Sabi ng nasa kanan ko.

"Ikaw! Bakit hindi ka nagsasalita!" Sabi ng nasa kanan ko.

"Hindi ko alam ang sasabihin" sabi ko at yumuko.

"Leafny" sabi ng lalaking may diin.

Nagiba ang aura ni Leafny natakot siya dito, Bakit kaya?

"Sino ka! Pakawalan mo ako dito!" Sabi niya dito pero alam kong takot siya.

"Farsia, Hernia" sabi niya at nakita kung lumingon ang dalawa sa aking kaliwa.

"Ikaw yun! Nasaan ako?" Sabi ng Hernia ang pangalan

"Saan mo ako dinala?" Sabi ng Farsia ang pangalan.

"At.....Vladine" sabi niya sa aking pangalawang pangalan.

"Akala ko.... i....kaw yung..... maghahatid sa akin kay papa at mama?" Sabi ko at naalala ko na naman ang aking mga magulang bigla na lamang uminit ang aking mga mata at namalayan ko na lang na umiiyak na naman ako.

Alam kung nagtaka yung tatlo kong kasama pero hindi ko sila inintindi.
Pagkatapos ng pagtawag niya biglang bumukas yung mga ilaw at nakita ko ang buong paligid alam kung isang lumang bahay ito.

"Alam kung natatakot kayo pero hindi na ako magpaligoy ligoy pa." Sabi niya at lumapit sa aming apat at nakita ko ang mukha niya pero nagkamali ako dahil nakamaskara ito. Kumuha siya ng dugo sa aming apat ang bilis ng galaw niya at alam kung siya rin iyon.

The Four EnchantressesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon