TFE 1

16 2 0
                                    

Girl One
Nandito ako ngayon naglalakad upang puntahan ang eskwelahang papasukan ko. Ito pawis na pawis nanaman ako kung siguro nakita mo ako ngayon maiisip mo isa ako "napabagot na estudyante" segwey nanaman. Kinuha ko sa registration office kahapon yung papel na may schedule parang ang yaman ng school na pinasukan ko ang totoo niyan, tama nga kayo bago lang kasi kaming lipat dito sa Maynila at taga Nueva Ecija kami, ilang linggo pa lang ako kaya bago ako ngayon sa mga building na ang tataas, sa amin ay puro palayan lang kapag gusto mong makakita ng mga building o restaurant pupunta ka pa ng Bayan upang makikita ng ganun.

Hinahanap ko kasi yung Section B-2 hindi naman ako matalino at hindi rin matataas ang average ko kaya ako napadpad dito sa School na ito dahil sa tatay kung nagtratrabaho bilang janitor ng school at hindi ko itinatanggi yun dahil ito ay legal ay hindi illegal na trabaho sabi nga ni tatay "Wag mong ikahiya kung sino ka kung hindi naman masama ang iyong ginagawa"  yan lagi niyang line kaya nakabisado ko. Ang pagpasok ko dito ay isang napakalaking himala nagkaroon ako ng scholarships dito kahit na may pagkahina ang utak ko.

Napansin ko kung bakit wala pa yung mga tao ang tahimik hindi pa naman ako late at hindi naman umuulan para sumilong ang mga estudyante sa mga silungan bakit kaya?. Malapit na ako nakita ko na yung Section B-2.
Huminga muna ako ng malalim bago kumatok sa pintuan dito.

"Kaya mo ito! Lahat ay imposible kung may bilib ka sa iyong sarili. Tama! Kaya mo yan Mae!"

Pagkatok na sana ako sa pintuan may narinig akong sigawan at....

"Siya yun diba?" Sabi ng isang nakauniform at tinuturo ang direksyon ko.

"Kuhanin ninyo, Bago pa may makakuha pa ng iba!" Sigaw niya sa dalawang kasama niya.

Dali-dali silang pumunta sa direksyon ko at nakita ko na lang sa akin ay tumatakbo na lang ako para hindi nila ako makuha, hindi ko maintindihan at ang gulo, Bakit nila ako kinukuha? Hinahanap ba nila ako? May ginawa ba akong masama sa kanila? May binully na ba ako dito eh kabago-bago ko pa lang? May nangyayari bang hindi ko alam sa school na ito? Bumalik ang aking ulirat nung lima na silang naghahabol sa akin, mas binilisan ko pa ang takbo para hindi nila ako nahabol may nakita ako matataguan at tinodo ko ang aking pagtakbo tumakbo sa deresyong pagtataguan ko. Hindi ko namalayan napaupo ako at kinakapos ako ng aking pahinga may nakita akong anino papunta sa akin madilim ang aking pinagtaguan para hindi na ako mapansin ng kumukuha sa akin, hindi ko maaninag ang mukha niya pero alam kong lalaki ito.

Nagtama ang aming paningin at nakita ko ang kanyang mata napanganga ako sa kanyang ginawa tinitingan niya lamang ako pero iba ang nararamdaman ko parang may hipnotismo ang nangyayari hindi ko maipaliwanag kung bakit? Paano? Sino siya? Ano ang kailangan niya? Tumagal siguro ng ilang minuto ito at narining ko na lang na nagsasalita na siya.

"Anong pangalan mo?" Tanung niya.
Pero hindi pa rin ito gumawa ng kahit na anong kilos at ito ay nakaitim.

"Fa... farsia Mae Gomez" sabi ko sa kanya.

"You are the girl in prophecy." Sabi niya at bigla na lang naging blanko ang lahat.

Girl Two
Nandito ako ngayon sa Party kasama ang mga kaibigan ko sayaw duon, sayaw dito at napakadaming tao siksikan at nagkakabungguhan na dahil sa dami ng tao.

"Sissy!" sabi ng kaibigan ko na palapit sa akin.

"Yes?" Tanung ko dito.

"Super init na here! Punta tayo sa labas please!" sabay puppy eyes ang bruha.

"Oh! Sure" sabi ko at lumakad na kami para umalis sa napakadaming tao.

Habang naglalakad kami alam kung may nakasunod sa amin na pero pinagsabahala ko na lang ito baka dahil lang ito sa ininom ko ng nakapunta na kami sa labas nagulat ako dahil bigla na lamang ako hinila ng isang lalaking hindi ko kilala todo ang pagalis ko sa kanya.

The Four EnchantressesWhere stories live. Discover now