Tuluyan na syang humagulgul. Sa lahat ng sinumbat sa akin ay nakayuko ko iyong tinanggap. Hindi ako nanlaban, or nanumbat din. Pinakinggan ko lang lahat ng masasakit na salitang sinabi nya.

Totoo naman, e. Malandi ako, dahil sinulot ko si Brent kahit alam kong sila na. Sinulot ko sya kasi naiinggit ako, kasi hindi ko kayang maging masaya para sa kanila.

Sorrysorrysorrysorrysorry

Paulit ulit iyon sa utak ko pero hindi ko naisatinig. Sobra pa sa pagiging magbestfriend ang turingan namin, kung may label pang sobra sa magkapatid ay ganun kami kung itawag. Sa higit dekada naming magkasamang lumaki, siguro di nya ineexpect to.

"I hate you! Bakit si Brent pa?!"

"I love him."

Natigil ang pagiyak nya sa sinabi ko. Mahal ko si Brent kaya nagtitiis ako sa mga masasakit na salitang sinabi nya. Mahal ko si Brent kaya pinili ko maging kabit!

"What are you talking about, hija? You love him? This is ridiculous! May girlfriend yung tao!" Hindi makapaniwalang sigaw ni Auntie.

Si Auntie ang naging nanay ko sa panahong wala si Mamá at Papá. Sya ang nagalaga sa akin. Sya ang pumalit sa posisyon ng parents ko.

Kaya feeling ko pati ang pamilya ko sinasaktan ko.

"Auntie. . . Dati palang mahal ko na sya, college pa lang pinapangarap ko na si Brent. "

Tumawa ng pagak si Jonnah, "Inggitera ka talaga. "

"Hindi mo ba kaya maging masaya para sa kanila? Hindi mo ba sinubukan magmove on?"

"Auntie..! Mahirap po! "

"Hindi yun magiging Mahirap kung sinubukan mo, Vienna!" Sigaw ni Jonnah.

"Edi, subukan mo, Jonnah! Hindi mo alam kung paano ako nasaktan nun! Kasi kahit ikaw walang pakealam sa nararamdaman ko para sa kanya! "

"Maswerte ka dahil sayo sya napunta, samantalang ako nanatiling kabit at sideline lang! Pampalipas oras at libog nya lang! "

Dahil sa nasabi ko ay may nabuong imahe sa utak nya dahilan ng pagsugod nya sa akin at marahas na paghila ng buhok ko. Agad akong napa aray sa sakit.

Sinabubutan at hinila nya ang buhok ko sa kung saang direksyon at walang ibang ginawa si Auntie kundi tingnan lang kami.

"Wh-what--! Jonnah! Vienna!" Nagmamadaling pumunta si Brent sa amin at pinigilan kami. Nakatowel lang sya at halatang katatapos lang maligo.

Sinampal ako ng malakas ni Jonnah at natamaan ang mata ko. Kinapa ko ito kaya nagkaroon ng pagkakataon si Jonnah na puruhan ako sa mga sampal at suntok nya. Umabot kami sa sahig sa sobrang pagaaway.

"Tama na!" Sumigaw si Brent at niyakap si Jonnah palayo.

Agad namang syang nasampal ni Jonnah sa mukha, "hayop ka! Manloloko!" At magkabilaan itong sinampal sampal.

Naluluha ang mga mata ko dahil natamaan ni Jonnah kanina kaya kahit nananakit ang braso ko sa mga kalmot ay tumayo ako.

"Wala na bang paglalagyan yang kalibugan mo, tangina ka!" Sinipa nya si Brent.

"I'm sorry." Sinubukang hawakan ni Brent si Jonnah pero pumipiksi sya na parang nandidiri, "Hindi ko sinasadya."

Number one common line ng mga lalake kapag nahuli. Hindi raw sinasadya. So yung pitong buwang relasyon namin ay hindi sinasadya?

Napatawa ako ng mahina.

"Mahal mo ba talaga ako?" Humihikbi nyang sambit at pilit na binabawi ang braso, "Kung mahal mo ako hindi ka bibigay sa isang katulad nyang paghuhubad ang alam!

Steal You (YouSeries #1)Where stories live. Discover now