18 - Revelation

297 5 1
                                    

Alas dose ng hapon kami nagising ni Brent at sobrang kalat ng bahay nya. Hindi nahugasan ang mga dishes kagabi, nagkalat ang feathers ng mga unan at natumba ang single chair. May mga gamit ding nahulog at nabasag.

"Oh, god. Ang kalat." Bumangon ako at hinampas ang tiyan ni Brent para bumangon din sya.

Nagsimula kami sa mga natumbang gamit. Niligpit ko rin ang mga kalat sa kwarto nya at pinulot ang mga feathers.

Tinatawanan namin ang mga kalat na ginawa namin dahil kagabi. Parang dinaanan ng bagyo ang condo!

Habang naghuhugas ako ay narinig kong bumukas ang pintuan kaya lumingon ako "Brent, tapos ka na sa mga basag?" Nakangiting tanong ko sa kanya.

Akala ko si Brent, pero nang makita si Auntie at Jonnah sa pintuan ay nawala ang ngiti ko. Napalitan ng sobrang kaba ang puso ko na nagsimula akong manlamig at manginig.

Bakit sila nandito? Nasaan si Brent?

Anong sasabihin ko kung bakit ako nandito? Na naglinis lang ng bahay nya? Na nakitulog? Nakikain?

"Jon. . . " Yun lang ang lumabas sa bibig ko.

"Anong ginagawa mo dito, Vienna?" May diin sa pagkakasabi nya. Nakakuyom din ang kamay nyang nasa magkabilang gilid.

Hindi ako nakasagot. Hindi ko alam ang sasabihin or irarason ko. Bakit nga ba ako nandito? Kasi tinawagan ako ni Brent para puntahan sya imbes na si Jonnah ang pinapunta nya?

Nang hindi ako sumagot ay kinuha nya ang damit na nasa kamay ni Auntie. Damit ko iyon na naiwan nung pumunta ako dito kay Brent at may nangyari sa aming dalawa.

Napapikit pikit ako at nagsimulang magluha ang mga mata. Wala mang may nagkumpirma ay pareho na silang may ideya sa mga nangyayari.

"What the fuck, Vienna?" Yun ang lumabas sa bibig ni Jonnah matapos maproseso ang lahat.

Nanatili akong tuod na nakatayo sa gilid sink habang pinapanuod ang reaksyon nila. Umiling si tita na parang disappointed sya sa akin ngunit halata din ang disgutso sa mukha.

Si Jonnah naman ay namula ang mukha, siguro sa galit or pagpipigil ng luha. Siguro both. Humigpit ang hawak nya sa telang hawak habang nanginginig ang mga kamay.

Ramdam na ramdam ko ang galit nya kahit ilang metro ang layo nya sa akin. Ramdam ko ang sari saring emosyon na sobrang nagpakaba sa akin.

Galit ba sya? Sobra.

"You are so disgusting!" Dinuro nya ako. "I knew something was fucking up with you two! "

Naisip ko si Trace, sinabi kaya nya? Nagbigay ba sya ng hint? Wala namang ibang nakakaalam tungkol samin ni Brent kundi siya lang.

Dahil sa sinabi nya ay nakaramdam ako ng kirot sa dibdib. Disgusting? Alam ko. Hindi yun kailanman nawala sa isip ko.

"You. . ." Nanginginig ang mga kamay na dinuro nya ako, "disgusting rat! Bestfriend kita! Wala kang utang na loob!"

"I was there with you the whole time you needed someone! Oh my god, di ko inaakalang manunulot ka sa akin! I trusted you because you are my bestfriend! Pero ano to?! What the fuck are you doing?!"

"This is horrible, Vienna! I can't. . . I swear to God I want to slap you!"

"Wala ka bang respeto? Sa akin at sa sarili mo? Wala ka bang kahihiyan? Wala ka bang isip? Sa lahat ng pwede mong sulutin, yung boyfriend ko pa! "

"Malandi ka! Ever since we were young, malandi ka na! Kaya mo nga pinili magmodel ng nakatwo piece lang, diba!"

"How can you do this to me, huh? I treated you like my own sister!"

Steal You (YouSeries #1)Kde žijí příběhy. Začni objevovat