6 - Reality

271 7 0
                                    

Kinailangan naming umuwi agad ni Brent isang oras pagtapos ng usapan namin ni Susan. Nagtext din kasi sa akin si Jaja na magingat daw muna ako. As much as I didn't want to leave, I know we had to. 

Nagviral na ako eh, kahit sabihing konti palang ang nakakita nun pero mabilis ang pakpak ng chismis.

"Hindi kami kasal!" Pagdedeny ko. Singsing ni Brent ang naramdaman ni Susan kanina. Which is, couple ring nila ni Jonnah.

Tumaas ang isa nyang kilay at halatang di naniniwala sa amin, "Talagaaaa?"

Tumawa si Brent ng bahagya at umiling iling. Napakamanly nya talaga, yung tipong pang ideal guy. Parang napaka perfect nyang tao.

"Sayang naman. Nasa edad na naman kayo para magpakasal."

Tumikhim si Brent at nagiwas ng tingin. Hindi naman ako nakasagot sa tanong nya. 

Second year college ako ng magkakilala kami ni Brent, advanced ako ng isang taon kaya maaga akong nakapag college dahil matalino ako. I have the brains, the body and the face but he didn't choose to court me earlier. Hindi niya ako nagustuhan aside sa pagiging buddy niya.

Maraming subjects na magkaklase kami, at parati kaming partner sa nga reporting o project at dun nagsimula ang pagiging close namin.

Natural lang na lumabas kaming dalawa para sa school purposes, pero di nagtagal ay nagkaroon kami ng bonding time. Yung tipong nakakaabot kami sa malalayong lugar at wala ng kinalaman sa projects.

At mas naging close kami nung nakipagaway ako sa isang babae dahil pinagbintangan akong nagnakaw ng pera nya na pangdate dapat nila ng boyfriend nya.

Nareport ako nun, sobrang laking issue ng nangyari. Pinatawag ang guardian ko, at dahil wala akong maipresenta ay nagpadala ng letter ang parents ko. Ganun sila kabusy noon na parang wala silang pake sa mga nangyayari sa buhay ko. 

Isipin mo yun? Ipinatawag ka ng prefect dahil pinagbintangan ang anak mo pero di ka pumunta dahil mas importante ang negosyo?

Ang mas malala pa ay hindi ako pinagtanggol ng sarili kong magulang, nagapologize lamang sila sa letter at sinabing ibabalik ang pera na ninakaw ko kuno. 

Pero si Brent... hindi sya naniwala. Pinagtanggol nya ako at naghanap ng pruweba na talagang sinet up nila ako.

"Paanong nawala ang pera mo, pero nakapagdate parin kayo?" Rinig kong tanong ni Brent sa isang recorder.

"A-ano?! " Sumigaw ang babae, "Nilibre ako ng boyfriend ko. Problema mo? Bawal ba? "

"Kasi... ang alam ko mahirap lang ang boyfriend mo." May panunuya sa boses ni Brent. Tumawa sya ng konti. "Nagbebenta lang ng balut."

"Kanino mo nalaman yan? Hindi mahirap si John!"

"Aminin mo ang totoo at ipagkakalat kong mahirap lang ang boyfriend mo."

Kaya ayun, napilitan syang dungisan ang sariling pangalan para sa isang kagagahang ginawa nya kesa malaman ng lahat na ang dinedate nya ay mas mahirap pa sa daga.

"Kararating lang daw nila sa airport." Sabi ko kay Brent na nasa driver's seat.

Nagdadrive sya ngayon para sunduin si Jonnah at ang parents nya na kararating lang sa flight nila galing sa Hawaii.

Tahimik kaming dalawa kanina pa. Nakakalungkot lang dahil hindi naging sapat ang isang linggong pagkawala ni Jonnah. Gusto kong mas matagal ko pang masolo si Brent, yung tipong tuluyan naming makalimutan si Jonnah, na girlfriend nya.

Kaso hindi eh, may limitasyon parin. Babalik at babalik parin sya kay Jonnah at wala akong ibang magawa kundi maghintay ng susunod na pagkakataon.

Steal You (YouSeries #1)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora