12: Jimin and Riri alone?

91 4 0
                                    

Day 4

Riri's POV

Gumising ako kinaumagahan.

Normal na araw lang ngayon. Pang 4th day na pala namin dito sa Seoul.

Pumasok tuloy sa isip ko kung umalis na kami dito. Kung iwanan na namin ang biglaang naging kaibigan namin na ang BTS. Nakakalungkot dahil nag-bakasyon lang pala ako dito.

Tinignan ko kung anong oras na. It's 7:29 in the morning.

Napansin ko ang paggising isa-isa ng mga kaibigan ko. Ako pala ang naunang nagising.

Si Yoongi, as usual, ang huling nagising.

(A/N: May sinabi ba akong Yoongi? *tingin* Ay. Marie pala. Sorry.)

"Oh, Riah..mukhang malungkot ka?" concern na tanong ni Shanie sa akin habang inaayos ang kaniyang kumot.

Pinilit kong ngumiti. "Okay lang ako!" sinabi kong masaya.

Sa totoo lang, gusto kong pag-usapan ang nararamdaman ko tungkol sa pag-alis namin dito sa Seoul pero, baka makasira pa ako ng masayang bakasyon namin kaya 'wag nalang.

Tiningnan ako ni Shanie at halatang may gusto siyang malaman. Nag-pout nalang siya at umiwas ng tingin.

Sinabi ni Jimin sakin sa text na busy sila ngayon kaya hindi na ako nagtaka kung bakit hindi niya ako binati ng 'good morning'. Pero sabi niya din sa akin na gagawa siya ng paraan para makapag-text siya sa'kin.

Plano nila Shanie, Thea at Kenzie na mag-shopping dahil wala silang magawa sa loob ng hotel.

Si Marie at Anny ay gusto nalang na mag-stay dito.

Gusto ko sanang lumabas kasama sina Shanie pero wala naman akong ma-isip na bibilihin kaya nag-stay nalang din ako.

4:34 PM

Nandito kami naglalaro ng 'Hide and Seek' sa loob ng hotel room namin.

Para kaming bata na ewan.

Ang ginawa pala namin mag-hapon sa loob ng room ay nag-imbento ng challenges para saaming sarili.

Nag-sayaw pa kami ng BTS Songs. Para kaming baliw.

Tawa din kami ng tawa.

Masaya kami kahit na nandito lang kami sa loob buong mag-hapon.

Naglalaro kami ng HIDE AND SEEK. Si Anny yung taya. Andito ako nagtatago sa loob ng bathroom. Sa bathtub ako nagtatago. Si Marie naman, sa ilalim ng kama.

"Ready or not, here i come!" rinig kong sigaw ni Anny sa labas.

Biglang bumukas ang pinto sa bathroom. Narinig ko ang mga footsteps niya.

Bigla niyang binuksan ang shower curtain at nakita ako. "Boom!" sabi niya at tinuro ako.

Lumabas kaming dalawa ni Anny sa bathroom. Hinanap naman ni Anny si Marie.

May biglang tumunog na cellphone. Sinundan ni Anny kung saan 'yon nanggagaling.

Tinignan niya ang ilalim ng kama at doon nakita si Marie na nagtatago.

Tumutunog parin cellphone niya. May tumatawag pala sakanya.

"Sino 'yan?" tanong ko. "Si Yoongi." sabi niya at nag-blush.

Sinagot niya ang tawag. "Hello Yoongi." sagot niya at lumabas ng room.

Akala ko ba busy sila ngayon?

Tumunog bigla ang phone ni Anny. "Hala. Si Namjoon nagtext.." sabi niya at humiga sa kama para i-text si Namjoon.

Anong meron?

Bumalik na si Marie na may ngiti sa labi. "Guyss. Lalabas muna ako kasama si Yoongi." sabi ni Marie at dumiretso na sa bathroom.

"Ako din, Riri." may suspicious na ngiti sa labi niya at nag-hanap na ng isusuot niya.

I tilt my head.

Hinayaan ko nalang na umalis sila kasama ang 'bias' nila.

Ngayon, mag-isa ako sa room.

Nagi-scroll lang ako sa mga social media ko nang biglang may kumatok sa pinto. I'm expecting na nakabalik na sina Shanie pero mali pala ang iniisip ko.

Binuksan ko ang pinto at nakita si..

Jimin.

End of Part Twelve

Destined To Be Together - p.jm Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon