11: Love Triangle

114 5 1
                                    

Jin's POV (kunwari korean)

Inaasar nila si Jimin kay Riri. Nagseselos ako.

Yes, may gusto ako kay Riri una palang naming pagkikita.

Habang kumakain kami, nasa gitna namin ni Jimin si Riri.

Nilagyan ko ng sushi yung plato ni Riri. Nilagyan naman ni Jimin ng juice ang baso ni Riri.

Nagka-tinginan kami ni Jimin at nag-nervous laugh kaming dalawa.

Alam ni Jimin. Si Jimin lang nakakaalam tungkol sa pagka-gusto ko kay Riri at ako ang unang nakaalam tungkol sa pagka-inlove niya kay Riri.

Let's see who will win her heart. Jimin.

Jimin's POV (kunwari KOREAAANN)

Napansin kong nilagyan ni Jin ng sushi ang plato ni Riri. Hindi ako nagpa-talo at nilagyan ko ng juice ang baso ni Riri.

Alam ko na may gusto si Jin kay Riri.

Alam din niya na inlove ako kay Riri.

Halata ko na talagang gusto ni Jin si Riri dahil sa mga pagtingin niya sakanya. Sa pagiging concerned niya minsan.

Pero mas malala nararamdaman ko kaysa sakanya. Mas matindi ang pagiging concerned ko kay Riri.

Nung sinabi ni Riri na 5 weeks lang sila dito, nasaktan ako. Gusto ko siyang mag-stay. Ayaw ko siyang pakawalan. Mami-miss ko siya ng sobra.

Riri's POV

Nagulat ako sa biglaang paglagay ni Jin ng sushi sa plato ko. Tapos sa paglagay ni Jimin ng juice sa baso ko.

Nakakapagtaka 'tong dalawang 'to.

Pagkatapos naming kumain, nagpa-hinga muna kaming magkakaibigan sa couch nila bago umalis.

Tinabihan ako bigla ni Jimin at Jin.

Great. Nasa gitna nanaman ako ng dalawang 'to.

Sa tuwing magsasalita si Jimin. Pinipilit ni Jin na agawin atensyon ko.

Nawi-weirdan ako sa kanilang dalawa.

"Guys! I will drive you to your hotel." sigaw ni Jin at umalis kaming lahat para maka-uwi na din sa hotel.

Nang nandito na kami sa hotel, iniwan ako ng mga kaibigan ko kasama si Jimin.

(kunwari korean)

Kinamot ni Jimin ang likod ng leeg niya.

Napansin ko si Jin na nasa likod ni Jimin. "Riri.." tawag sa akin ni Jimin gamit ang mahinahon niyang boses.

Inangat ko ang ulo ko sakanya. "May sasabihin sana ako.." sabi niya at pinaglalaruan mga daliri niya.

"Ano 'yon?" ang sabi ko.

Napansin ko ang paghigpit ng hawak ni Jin sa dala niyang cellphone niya.

"G-gusto k-kita. I-inlove na n-nga ata a-ako e." sabi niya habang ninenerbyos pa.

Nangyayari ba talaga 'to?

Nilagay ni Jin ang kaniyang cellphone sakaniyang bulsa. "Riri." tawag sa akin ni Jin.

"May gusto din ako sa'yo." sabi niya.

Nagulat ako sa mga pangyayari.

Tinignan siya ni Jimin. "Riri. Sorry but Bang PD-nim are calling for us." sambit ni Namjoon.

Tinalikuran ako agad ng tatlong lalake ngunit isa lang ang lumingon ulit para ngitian ako.

At si Jimin 'yon.

Ngumiti ako pabalik. Tumalikod na siya at sumakay na sila sa loob ng van.

Pumasok ako sa hotel room namin. "Oh, Riah. What took you so long?" tanong ni Anny.

"Wala. May ginawa lang." sabi ko at dumiretso sa CR para linisin na ang sarili ko.

Humiga ako sa kama ko at inisip ang nangyari.

May gusto sa akin si Jimin at Jin.

Dadating ang oras na papipiliin ako kung sino ang gusto ko.

Sino nga ba?

Jimin or Jin?

End of Part Eleven

Destined To Be Together - p.jm Where stories live. Discover now