“Thanks.” I said before I walk towards the elevator. Bago magsara ang elevator ay nakita kong nagbalik sa pagiging poker face ang babae. Napa-iling na lamang ako at tinignan ang pag-iiba ng numero na nakaflash sa gilid. Pababa ito. Tila ang pinanggalingan ko ang pinakatop floor.

The ride was smooth. Hindi ko nga rin napansin na we already reached the main office kung hindi lang bumukas ang elavator at bumungad sa akin ang receiving area.

“Good evening, Mr. Montrose.” Bati sa akin ng babaeng nasa front desk. A wide smile was plastered on her face hindi katulad nang babae na nasa pinakamain receiving area sa itaas. “Please seat here for a while. Mr. D is on his way to fetch you here.” Magalang na pahayg ng babae.

Tanging pagtango lamang ang ginawa ko bilang response sa kanya bago naupo sa sofa hindi kalayuan sa kung nasaan sya. Nang tapunan ko ng tingin ang elevator na pinanggalingan ko ay parang drawing itong nawala sa pader.

“Mr. Montrose.” Mahinang pagtawag na syang nagpatayo sa akin mula sa pagkaka-upo.

“Mr. D.” sabi ko sa kanya bago inalok ang aking kamay na sya namang kanyang inabot para kamayan.

Matapos bitawan ang aking kamay ay tumayo siya ng diretsyo at naunang maglakad sa akin habang ang kanyang mga kamay ay nasa kanyang likod.

“What brought you at this hour?” tanong nya sa akin bago humakbang papasok sa pintong bigla nalang nagbukas sa mismong harapan naming dalawa. “You should be sleeping by now dahil wala ka nang poproblemahin dahil bukas pa namin kukuhanin ang item mo para sa isasagawang check-up.” Sabi nya habang dirediretsyo sa paglalakad samantalang ako ay nakikiramdam sa kung ano nanamang pinto ang bubukas sa harap naming dalawa.

“Yun na nga.” I said after heaving a sigh.

“What’s with the sigh?” he asked bago lumingon sa akin.

“I don’t know pero sa tingin ko ay naiwala ko ang item ko.” I said, avoiding his gaze.

Sa halip na siya ang magulat ay ako ang nagulat sa naging reaksyon nya.

“You are worrying.” Sabi nya ng humupa ang kanyang pagtawa.

Kunot noo ko naman siyang tinignan pero parang wala lamang sa kanya at nagpatuloy sa paglalakad. Another door opened from nowhere at ngayon ay nasa isang hallway na kami. It is a hallway na may mataas na ceiling. The interior design is good. The light is making it more beautiful. Tila ba they are created to make connections to one another.

“You want to know a story?” tanong nya sa akin kaya napakamot ako sa aking sintido. What is this man trying to say? Hindi nya ba narinig yung sinabi ko kanina?

“Story?” I asked but he answered me with a clap.

Tila isang signal na biglang nagpagalaw sa matataas na pader ang ginawa nyang pagpalakpak. Sa isang iglap ay biglang lumiwanag at naging kulay puti ang lahat. Ang kaninang mga pader ay nawala at napalitan ng mga nakahelerang mga capsules. Bigla ay naging isang malaking laboratory ang kanina ay hall way.

“Yes. The story that was prohibited to be told to anyone…” pagpapabitin nya sa dapat nyang sasabihin. “…not even to you.” He faced me with a smirk plastered on his face. “But you are lucky enough because I will tell you this.” Usal nya bago muling tumalikod sa akin at magsimulang maglakad.

“Once upon a time…” tila isang mahusay na mananalaysay na pagsisimula niya.

“Should I feel honored because I can hear this one out?” I said, chuckling to stop what’s running in mind. 

For Sale: Bed Warmer (COMPLETED)Where stories live. Discover now