Kabanata 25

9.6K 387 57
                                    

Alonzo Salvatierre, 1943

PILIT naming ipinakasal si Kristina kay Manolo Buenavista, ang anak ng Mayor ng San Antonio. Ito ay kagustuhan ng aming ama dahil na rin sa malaking pagkakautang at para na rin mapanatili ang hacienda.

Maganda ang aking kapatid na si Kristina. Maraming mga binata ang nangangahas na makuha ang kanyang puso ngunit sadyang mahirap na kunin ang loob ng aming ama. Ito ang batas at nararapat lang na sundin namin lahat ng mga utos niya.

Matagal nang namayapa ang aming ina kaya kaming tatlo na lamang ang magkakasama sa mansion. Maliban sa mga kawaksi at mga trabahador ng aming hacienda.

Si Manolo, ang nag-iisang anak ni Mayor Romano Buenavista. Gustong-gusto ni Manolo ang aking kapatid. Lagi itong bumibisita sa bahay at nagbibigay ng mga regalo kay Kristina kaya lamang ay hindi ito gusto ng aking kapatid dahil masyado itong mayabang. Hindi lamang iisang babae ang nililigawan ni Manolo sa San Antonio. Isang bagay na hindi ko rin gusto sa kanya.

Kaya lamang, malaki ang pagkakautang ni Papa sa mga naitalo niya sa sugal. Naisanla niya ang kalahati ng lupain at nanganganib na mawala sa amin. Nangako si Manolo na tutulungan niya ang aming ama na mabayaran ang lahat ng nga pinagkakautungan niya. Magagawa rin ng ama nito na mapabango ang pangalan ni Papa sa buong San Antonio kung sakaling matuloy ang plano ni Papa na tumakbo bilang bise mayor.

Kapalit nun ang makasiping si Kristina.

Hindi 'yon sinang-ayunan ng aking ama. Gumawa ito ng paraan at iniba ang sumpa na ipinataw ng mga Fidalgo sa pamilya namin.

"Magkakaroon lamang ng isang lalaki at isang babae ang mga Salvatierre at mamamatay ang anak na babae sa edad na bente tres kung hindi ito magkakaroon ng anak sa isang Fidalgo."

Ito ang eksaktong sinabi ng aking ama kay Manolo para pumayag itong pakasalan si Kristina. Ipinangako nito na mamamatay ang aking kapatid oras na tumuntong ito sa edad na bente tres. Idagdag pang wala na ang mga Fidalgo sa bayan ng San Antonio. Ginawa di umano 'yon ng aming ama upang hindi mawala ang puri ng anak kung sakaling makipaghiwalay nga si Manolo. Iisipin ng lahat na namatay si Kristina at para na rin hindi makutya at mapahiya sa buong bayan.

Gulong-gulo ang isipan ko nang mga panahon na iyon, kung totoo nga ba ang sumpa o gawa-gawa lamang ng aming ama para maisalba ang aming lupain at upang hindi mawala ang pangalan ng aming pamilya sa lista ng mga mayayamang pamilya sa bayan ng San Antonio. Kung ano man ang dahilan niya ay siya lang ang nakakaalam.

Pero hindi naging masaya si Kristina sa piling ni Manolo. Maraming beses na naabutan ko ang aking kapatid na umiiyak. May mga pasa sa katawan at mukha. Pero ni minsan hindi ko siya nagawang lapitan o tulungan man lamang dahil sa takot ko kay Manolo. Lagi niya akong pinagbabantaan nang masama.

Mag-isang nilabanan ni Kristina ang malupit na pagmamaltrato ng asawa sa kanya.

Ngunit isang araw, nalaman namin na may sekretong relasyon si Kristina sa bagong salta sa San Antonio na si Juan Miguel, isa sa mga katiwala ng pamilyang Buenavista.

Lihim na nagkikita ang dalawa sa kuwadra ng mga kabayo dahil isa ito sa mga tagapangalaga ng mga kabayo ng mga Buenavista.

Ika Marso ng 1917

"M-Miguel?" nanlalaki ang mga matang napaatras si Kristina palayo kay Juan Miguel. Nakatutok sa kanya ang baril na hawak nito. "Miguel anong ibig sabihin nito?" napuno ng takot ang puso niya. Ngayon lamang niya nakita na ganoon kagalit ito. Tila umaapoy sa puot at galit ang mga mata nito. "Mahal ko?"

"Tumakbo ka na habang hindi ko pa nakakalabit ang baril na ito sa'yo Kristina!"

"Miguel?" sa kabila ng takot ay nagawa niyang lumapit rito.

SAVING FOREVER - COMPLETED 2019Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon