Kabanata 21

10.7K 402 51
                                    

Halea

ANG NAKARAAN

Takot.

Takot ang unang lumukob sa puso ko nang mga oras na 'yon. Iyak ako nang iyak habang nagmamaneho ng sasakyan. Malakas ang buhos ng ulan sa labas na lalong dumagdag sa takot na nararamdaman ko nang mga oras na 'yon. Gusto kong isipin na panaginip ang lahat. Na hindi totoo ang duguang babae sa likod ng sasakyan. Na hindi ko naririnig ang bulong niya sa mga tainga ko.

"Tama na!" sigaw na iyak ko, sinikap kong tignan ang dinadaanan ko sa kabila nang malakas na buhos na ulan. "Tama na please. Tigilan mo na ako. Parang-awa mo na."

Mamamatay ka. Naririnig ko na naman ang mga bulong niya. Mamatay ka rin katulad nila, Halea. Hindi tayo magiging masaya. Mamatay ka! Mamatay ka!

Tila dasal 'yon na unti-unting yumuyupi sa natitirang pag-asa ko na mabuhay. Isang nakakatakot na liriko sa isang kanta. Bigla akong napasinghap. Hindi ako makahinga. Tumaas ang isang kamay ko sa leeg ko at kinapa ang kamay na sumasakal sa akin pero wala akong mahawakan. Unti-unting nilulunod ng mga luha ko ang aking paningin. Nawawala ang atensyon ko sa daan.

Psalm, tulungan mo ako. Iyak ko sa isip. Tulungan n'yo ako. Parang awa n'yo na. Dios ko, huwag n'yo sanang hayaang mamatay kaming dalawa ng anak ko. Nakikiusap ho ako.

Mamatay ka! Mamatay ka Halea! Sa bawat sigaw niya ay dasal ang sinasambit ko. H-Hindi ako papayag na ma... m-mamatay ako. H-Hindi ako... p-papayag na... m-mamatay ang anak ko. La...Lalaban ako para sa'yo anak... kaya huwag... huwag kang bumitaw.

Halea!

Isang malakas na sigaw ang narinig ko. Napasinghap ulit ako nang maramdaman kong nawala ang kamay na sumasakal sa akin. Pero tila panandalian lamang 'yon dahil biglang hindi ko na ma-kontrol ang minamaneho kong sasakyan.

"Dios ko!"

Dire-diretso ang takbo ng sasakyan. Ilang beses kong sinubukang maniobrahen 'yon ay hindi ko magawang kontrolin ang takbo nito.

"Parang awa N'yo na. Dios ko! Nagmamakaawa ako Sa Iyo. I-Iligtas N'yo po kami." Iyak ko habang taimtim na nagdadasal sa kaligtasan naming dalawa ng anak ko.

Napasigaw ako nang biglang humarurot ang sasakyan. Lumukob ang takot sa buong katawan ko. Halos bangin na ang dinaraanan ko. Isang maling galaw lang ay ano mang oras ay pwede akong mahulog at mamatay.

Bumalik sa isipan ko ang mukha ng mga magulang ko at ng kuya ko. Ang mukha ng mga kaibigan ko at naging malapit sa akin. Ang mukha ni Psalm. Lalo akong napaiyak. Please, tumigil ka na. Parang-awa mo na. Itigil mo na ito.

"Tama na! Parang awa mo na kung sino ka man. Tama na. Huwang kami ng anak ko." Iyak ko habang sinusubukang maniobrahin ang sasakyan palayo sa gilid ng bangin. "Tumigil ka na –" impit akong napasigaw nang diri-diretso pa ring humarurot ang sasakyan sa direksyon ng bangin. "D-Dios ko!" naipikit ko ang mga mata.

Ito na ba talaga? Hanggang dito lang ba talaga kami ng anak ko? Malakas na napasinghap ako nang maramdaman ang impact ng paghinto ng sasakyan. Bumangga ito sa kung ano. Lumabas ang airbag sa harap ko at biglang namatay ang makina ng kotse.

Bumangga ang sinasakyan ko sa isa mga stone barricade sa gilid ng kalsada. Halos na tipak ang bato dahil sa matinding pagbangga. Umuusok na ang harapan ng sasakyan. Hilong-hilo pa rin ako at nanghihina. Hindi ako pwedeng mamatay! Hindi pwede! Maingat at mabilis na lumabas ako ng sasakyan. Nabasa agad ako dahil sa malakas na buhos ng ulan.

Dios ko!

Naigala ko ang tingin sa buong paligid. Walang tao. Walang mga sasakyan. Na saan na ako? Hindi na ako nag-aksaya ng oras. Mabilis na naglakad ako. Lakad-takbo ang ginawa ko habang hawak-hawak ang tiyan ko. Kailangan kong makalayo. Kailangan kong iligtas ang anak ko.

SAVING FOREVER - COMPLETED 2019Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon