Kabanata 22

10.3K 375 58
                                    

Makisig

'YUMI," halos pabulong ko nang tawag sa pangalan ng nobya.

"H-Hindi ko maintindihan Makisig. Anong sumpa? What does it have to do with you? With us? Anong kinalaman natin sa aksidente ni Halea?"

"Yumi," lumapit ako at hinawakan ang kamay niya. Ipinagtapat ko na sa kanya ang tungkol sa sumpa. Ang pwedeng mangyari sa kanila kapag hindi namin nagawang putulin ang sumpa. Umaasa akong maiintindihan niya. Dahil hindi ko rin naman hahayaang mangyari 'yon sa kanya. "Listen, I know it's a bit complicated. Pero you don't need to worry about it. We have already found a way to break the curse. Hindi na mangyayari sa atin ang nangyari kina Papa at Mama at sa buong angkan nam –"

"This is crazy Makisig!" marahas na binawi ni Yumi ang kamay mula sa pagkakahawak ko. Nasaktan ako sa ginawa niya. Bakas ang inis sa magandang mukha niya. "So everything about your family is true? God, I can't believe this."

"Yumi, please... I just need your support on this." Lalapit sana ako sa kanya nang iharang niya ang isang kamay para pigilan ako. "Yumi?"

"I can't do this Mak. I'm sorry..." my heart drop. Tila bomba 'yon na sobrang nagpasabog sa lahat ng takot sa buo kong katawan. Hindi ko magawang paganahin ang isip o ang kumilos man lang. It was as if my heart was chain tightly inside my chest and everytime it tries to break free it feels like it's gonna rip apart. "I don't want to risk my future with you Mak. Let's just end this."

Mula sa palasing-singan niya ay hinubad ni Yumi ang sing-sing sa daliri niya. Natuon ang atensyon ko sa mga kamay niya. It was too painful to see her taking off the engagement ring I've given to her. It hurts like hell. It was even more painful to think na madali lang para sa kanya na itapon ang mga pinagsamahan namin.

For 3 years!

And it only took her 3 seconds to give up on me.

Inabot ni Yumi ang isang kamay ko at inilagay sa palad ko ang sing-sing. Gusto kong umiyak. Gusto kong sumigaw. But I couldn't find the strength to protest. I could feel my chest tightened but the pain was enough for me to feel numb... to shut down my whole existence.

"I'm sorry," tanging na sabi niya.

I felt so betrayed... but it was so hard to hate the woman I love. The woman I want to spend my life with. The woman that makes me want to live. I was willing to fight for her... but she gave up on me.

Sa pagtalikod niya sa akin I realized how miserable my life was. She took with her the remaining hope I have in my heart. Naikuyom ko ang kamay kung saan inilagay ni Yumi ang sing-sing. Ramdam na ramdam ko ang sakit ng pagkakabaon ng sing-sing sa palad ko. Tila doon lang bumalik sa akin ang lahat.

Marahas na naisuklay ko ang isang kamay sa buhok habang unti-unting pinapalabo ng mga luha ko ang aking paningin hanggang sa tuluyan na akong napahagulhol nang iyak.

Damn it!



Alyana

MARAHAS na napabuntong-hininga ako habang nakaupo sa isa sa mga upuan sa waiting shed ng ospital. Sinipat ko ang relo sa bisig at mag-a-alas nuebe na ng gabi. I already missed the last bus pabalik ng San Antonio.

Hindi ko namalayan ang oras. Pagkatapos nang nangyari kanina sa pagitan nila Psalm at Makisig ay natagpuan ko na lamang ang sarili na may malalim na iniisip. Nagliwaliw muna ako sa pinakamalapit na park sa lugar na 'yon hanggang sa abutin na lang ako ng gabi.

SAVING FOREVER - COMPLETED 2019Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon