Chapter 39: BLOODY BATTLE

Magsimula sa umpisa
                                    

Pilit na nagpupumiglas si Randy sa pagkakadagit sa kanya ng dalawang wakwak habang inililipad siya papalayo sa lugar. Kumpol na mga wakwak at manananggal ang sumusunod sa kanila at takam na takam sa kanya ang mga ito. Hawak pa rin niya sa kanyang kamay ang Eskrihala na gagamitin sana sa ga-halimaw sa laki na aso.

Ipinikit ni Randy ang kanyang mga mata at nagsimula ng gumapang ang mga sanga-sangang kuryente sa kanyang katawan. Idinilat niya ang kanyang mga mata at biglang sumabog ang napakalakas na boltahe ng kuryente sa kanyang katawan. Biglang nangisay ang dalawang wakwak na may hawak sa kanya at tuluyan na siyang binitawan ng mga ito. Tinamaan din ang mga wakwak at manananggal na sumusunod sa kanila dahilan para mawalan sila ng kontrol sa kanilang paglipad at tuluyang bumagsak sa sementadong kalsada.

Binalutan ng bola ng kuryente si Randy at lumutang ito sa himpapawid. Kontrolado ng kanyang isip ang mga bolta-boltaheng kuryente sa kanyang katawan na nagsisilbi nitong kapangyarihan at pananggala laban sa mga lumilipad na mga anak ng buwan.

Kaagad ay hinanap ng kanyang mga mata si Odessa dahil ang pagkakalam niya ay inatake sila ng napakalaking itim na aso. Hawak ang Eskrikala ay ipinagpag niya ito sa kanyang harapan at sa isang iglap ay nagbago ang anyo ng Eskrihala bilang isang napakalapad na espadang kulay pilak.

Ilang metro mula sa kanyang pinanggalingan ay nakita niya si Odessa na tinatapakan ng higanteng aso. Kitang-kita niya na halos hindi makagalaw ang kasintahan at makailang ulit na rin nitong pilit na iniiwasan ang pagsakmal sa kanya ng itim na aso.

Nagsalubong ang mga kilay ni Randy sa kanyang nakita at lalong kumapal ang mga hibla ng kuryente sa kanyang katawan dahil sa galit at labis na pag-aalala sa kanyang kasintahan. Halos pabulusok na lumipad ang sinasakyan niyang bola ng kuryente para tulungan si Odessa. Hindi naman makalapit sa kanya ang mga nagliliparang mga anak ng buwan dahil iniiwasan nila ang makuryente.

Lalong pumuti ang buhok ni Randy dahil sa pagdaloy ng kapangyarihan ni Banaual sa kanya. Lumapad ang katawan nito at naramdaman niya ang kakaibang lakas at tapang sa pakikidigma.

Ilang metro na lamang ang layo niya kay Odessa at inihanda niya ang Eskrihala upang gamiting sandata sa halimaw. Pero biglang tumigil ang kanyang paglipad at di niya makontrol ang isang puwersa na nagpatilapon sa kanya at tumama sa isang truck na may tangke ng gasolina.

KABOOOMMM!!! Biglang sumabog ang truck ng gasolina pagtama ni Randy rito. Halos dumagundong ang buong paligid kasabay ng pag-akyat ng napakalaking apoy na lumamon sa kinaroroonan ng truck ng gasolina.

Patuloy naman sa pag-iwas si Odessa sa mga matatalim na pangil at mga kuko ng Mamulang. Batid niya ang mabagsik na kamandag ng aso mula sa laway nito kaya pilit niyang iniiwasan madampian at masugatan ng dambuhalang nilalang. Kailangan niyang makawala sa mga paa ng Mamulang. Kaya sa pagkakataong ito ay kailangan na niyang gamitin ang kanyang kapangyarihan sa pakikipaglaban sa mga ito. Nakita niya na mabilis na lumabas si Randy sa nasusunog na truck. Kaagad ay napansin ni Odessa na papunta sa kanya si Randy na nasa katauhan na ni Banaual. Ililigtas siya nito sa asong Mamulang, ngunit ilang metro bago pa man ito makalapit sa kanila ay nakita niya si Sitan na ginamit muli ang kapangyarihan ng kanyang tungkod para pigilang muli siRandy na matulungan si Odessa. Iminuestra ni Sitan ang kanyang tungkod at inihampas ito patungo sa direksiyon ng isa pang truck ng gasolina na hindi nadamay sa pagsabog. Kasabay ng mga kilos na ginawa ni sitan sa kanyang tungkod ay ang pagbulusok muli ni Randy sa nasusunog na truck.

"Randy!!!" ang malakas na sigaw ni Odessa pagakita kung paano humampas si Randy truck. Dumagundong muli ang napakalakas na pagsabog na kung saan tumama si Randy.

"Randy!!! Hinde!!!" ang umiiyak na sigaw ni Odessa.

Biglang nagliyab ang mga mata ni Odessa at nabuo sa kanyang dalawang kamay ang pares ng espadang gawa sa napakainit na apoy. Sabay na iwinasiwas ni Odessa ang dalawang espada sa magkabila nitong mga kamay sa Mamulang.

ODESSA'S REDEMPTION: Rise Of The Elementals (COMPLETED)(#Wattys2018 Winner) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon