Nagtititili siya. Nakikiliting itinutulak ako. Niyakap ko siya nang mahigpit saka ako umiyak sa maliit niyang balikat.

"Hoy, bakit ka iyak?" Kinalabit niya ako.

"Lab na lab kasi kita," sabi ko habang sumisinghot.

Ikinulong niya ang mukha ko sa maliliit niyang palad. "Talaga?"

Tumango ako.

"One-hundred na dapat ang baon ko!"

Natawa ako. "Sige, gagawin ko na pong fifty."

"One hundred nga!" Kinurot niya ang pisngi ko.

"Sixty. Wala ng hirit!" Pinandilatan ko siya kahit maluha-luha pa ang mga mata ko.

"Sige na nga!" Yumapos siya sa leeg ko. "Lab din kita!"

Niyakap ko siya ulit. Mahigpit na mahigpit.

Diyos ko, hindi ko kakayanin kapag nangyari ang panaginip ko. 'Wag naman po sana...

...

ISINAMA ko si Aki sa Mighty Mart pagbili ng stocks namin. Hinayaan ko rin siyang dumampot ng kahit anong gusto niya. Kahit candies, hindi ko siya sinaway.

Sa cashier ay naroon si Abraham. Nakangiti na agad siya sa akin. "Hi, Ingrid!"

"Hello, Abraham."

"Abe na lang." Ngiting-ngiti siya.

"Mommy, bili natin si Daddy ng Red Bull!" Biglang dumampot si Aki ng Red Bull mula sa maliit na ref na katabi ng cashier.

Pinandilatan ko siya. "Ibaba mo 'yan, Aki!"

Nang tingnan ko si Abraham ay nakangiti pa rin siya sa akin. "Siya ba iyong kapatid mo? Si Aki?"

Tumango ako. Pero bakit niya alam?

Tila nabasa niya ang nasa isip ko. "Nagtanong-tanong ako."

"Ha?"

Hinila ni Aki ang laylayan ng damit ko. Nakasimangot siya. Hindi niya type si Abraham. Lalo na ngayon na bistado siya ng lalaki.

"Hi, little man!" bati sa kanya ni Abraham.

Hindi kumibo si Aki. Halatang masama ang loob.

"Ingrid, ano pala ang favorite song mo?" tanong niya habang pina-punch ang mga pinamili namin ni Aki.

"Uhm kahit ano."

"Kasi kakanta ako sa fiesta."

"Talaga?"

"Yup. Punta ka, ha? Nainvite lang naman ako ni Mayor. 'Di mo naitatanong, nanalo ako first runner up ako sa singing contest ng buong Rizal last year."

"Hindi ko sure kasi hindi ko naman maiiwan si Aki."

"Isama mo. So ano nga 'yong fave song mo? Kakantahin ko ron."

"Versace on the flowwwwr!" Si Aki ang sumagot.

Natawa si Abraham. "Wala bang mas malaswa?"

Natawa na rin ako. Pasimple kong kinutusan si Aki. "Sige, alis na kami. Salamat, Abraham." Binitbit ko na ang mga pinamili namin. Mahaba na ang pila at nakasimangot na ang ibang customers.

"Hindi mo ko papagalitan?"

Napalingon ako kay Aki. "Bakit?"

Nagkibit siya ng balikat.

Sanay na siyang pinapagalitan ko kapag nanloloko siya ng mga lalaki na nakikipag-usap sa akin. Pero ngayon, wala akong balak pagalitan siya. Ayoko na mag-away kami. Hinila ko siya palapit sa akin.

Yumakap naman si Aki sa bewang ko. "Lab yu."

"I love you, too, baby."

...

ANONG IBIG SABIHIN NG PANAGINIP KO?

Hanggang ngayon ay nanginginig pa rin ako 'pag naaalala ko ang panaginip ko.

Bakit siya binaril ni Wolf? Bakit? Gulong-gulo ako. Hindi ako mapakali. Pangitain ba iyon? Senyales ba iyon?

Ang sabi, ang bangungot ay gawa ng mga bagay na ayaw o kinatatakutan nating mangyari. Hindi iyon lubusang totoo, pero may kinalaman sa reyalidad. May kurot sa katotohanan. May ibig sabihin.

Pero ano ang ibig sabihin ng bangungot ko?

Nakatingin ako kay Aki habang nanonood siya ng TV. Nasa tapat na upuan niya ako nakapwesto. Hindi ko magawang lumayo sa kanya, hindi ko rin magawang alisin ang paningin ko sa kanya. Kanina ko pa siya binabantayan. Hindi ko siya magawang iwan dahil natatakot ako na baka mawala siya. Hindi ko alam, basta napapraning ako.

Humikab siya at tumingin sa akin. "Penge tubig."

Tumayo ako para ikuha siya ng tubig pero hindi ko inaalis ang mga mata ko sa kanya. Mabilis akong bumalik saka ko siya tinabihan sa sofa.

Inagaw niya sa akin ang tumbler na may tubig saka tinungga ang laman niyon. Dumapa siya sa kandungan ko pagkatapos.

"Kamot..."

Kinamot ko ang likod niya. Hindi ako napagod o nangalay.

"Pakpak pwet," ungot niya.

Sinunod ko ulit siya. Lahat yata ng sasabihin sa akin ni Aki, gagawin ko.

Mahal na mahal ko ang batang ito kahit sutil ito. Hindi ko kakayanin na mawala siya sa akin. Natatakot ako. Ngayon lang ako natakot nang ganito.

"Aki?"

Humihilik na si Aki. Nakatulog na.

Hinila ko siya at binuhat. Kanda ire ako sa bigat niya. Nang madala ko siya sa kuwarto ay kinumutan ko siya agad. Hinalikan ko siya sa noo. "I love you, baby."

Nang matiyak kong okay na siya, hinagilap ko ang CP ko. Isang ring lang at sumagot na ang tinatawagan ko.

"Wolf, may sasabihin sana ako sa 'yo. Pwede ka bang pumunta ngayon dito?"

Tumabi ako kay Aki at naghintay. I've waited for one hour and thirty minutes bago ako makarinig ng katok. Mabilis akong tumayo.

Magulo ang buhok at gusot ang polo ni Wolf nang pagbuksan ko siya ng pinto. But still he's the most beautiful man I've ever laid my eyes on.

"Good evening, Ingrid." Husky ang boses na bati niya. Tila kakagising lang.

"P-pasensiya ka na kung minadali kitang pumunta rito. May sasabihin kasi ako sa 'yo."

"What is it?"

Lumunok ako. Siguro panahon na para itama ko ang mga mali ko. Mahal ko siya pero mahal ko rin si Aki.

"About us, Wolf."

"Yeah?"

"Mamahalin mo pa rin ba ako kung malalaman mo ang totoo?"

Bahagyang kumunot ang kanyang noo. "What do you mean?"

"Wolf, anak ko si Aki."

He Doesn't ShareWhere stories live. Discover now