Bakit?!

[Joke ba 'to?]

[Mukha ba akong nagjojoke?] reply nya agad.

[Paano ko malalaman na mukha kang nagjojoke kung di ko naman nakikita yung mukha mo?] sagot ko sabay lagay ng nalilito na emoticon.

Na-seenzoned ng OP ni Kaizer yung last message ko sa kanya na kinahinga ko ng maluwag.

"Sabi na! Joke lang yun eh!"

Mininimize ko na yung chatbox nya saka ako tumingin sa news feed ko at nakibalita sa mga post ng mga friends ko sa FB.

Bakit kaya ganoon sa Facebook ano? Nauuso yung profile picture na pa-collage? Nagtataka ako kung bakit? Dapat na ba akong magpalit ng picture ko at makiuso sa kanila?

Saka pansin ko din, uso mga parinig sa Facebook ano? Gaya nung mga post na may kinalaman sa crush, lovelife at kung ano-ano pang bagay na may kinalaman sa love.

Ito pa nakakatawa sa Facebook minsan. Uso yung mga post napangteleserye! Yung may mga post na halos ikwento na nila yung buhay nila sa Facebook?

Nasa kalagitnaan ako ng pag-iiscan ng mga post ng mga schoolmate ko sa newsfeed ko nang bigla ulit tumunog yung PC ko saka nagkaroon ng red number one yung chatbox ni Kaizer OP.

"Akala ko tinulugan na nya ako..." sabi ko sa sarili ko saka binuksan ulit yung chatbox.

Kumunot ulit yung noo ko nang makita ko na pinadalhan nya ako ng audio message.

Alam nyo yun? Yung magrerecord ka ng sasabihin mo tapos isesend mo sa ka-chat mo? Kaya lang nagagawa lang yan kapag nakamobile ka eh!

Sinuot ko yung headphone ng computer ko saka ko plinay yung message ng OP ni Kaizer sa akin.

[See you soon Felicity Sandoval.]

Ilang sandali ding naghang yung utak ko sa narinig ko.

Wala sa sarili ko na inalis ko yung headphone sa tenga ko saka ako napatitig ulit sa chatbox namin ni Kaizer FC.

Bakit nya sinabi iyon? Para saan iyon? Saka ano daw? See you soon?!

Ilan lang yan sa mga tanong na gumugulo sa utak ko.

Nung matauhan na ako, mabilis akong nagtype ng message sa kanya.

Alam nyo matagal na akong nahihiwagaan sa OP ni Kaizer FC eh! Naaalala nyo ba yung panahon na sabi nya pupunta daw sya doon sa Mister and Miss Eastton contest pero hindi naman sya nagpakita sa akin? Yung sinabi nya na isasayaw nya daw ako pero wala namang Kaizer OP ang nagkipagsayaw sa akin maliban kanila MM, Kaizer at Kris?

'Kung ganoon, isa talaga sa kanila yung nag-o-OP kay Kaizer FC?!' sa isip ko.

Madiin yung pagkakapindot ko sa enter saka lumabas yung message ko para sa OP ni Kaizer sa chatbox namin.

[Sino ka ba talaga? Kilala mo ba ako? Anong pangalan mo? Taga-Eastton ka din ba? Saka paano mo nalaman yung buong pangalan ko? Sitti lang naman nakalagay sa Facebook ko ah! Saka ano yung ibig sabihin ng "See you soon" mo? Ibig sabihin ba nito makikipagkita ka sa akin? Pwede ba iyon? Allowed ba sa mga OP na makipagkita sa isa't-isa ng walang paalam sa author?]

Madami pa sana ako gustong itanong sa kanya kaya lang hanggang dyan lang nakaya ng mga daliri ko.

Sobrang titig na titig talaga ako doon sa chatbox namin. Na para bang kapag kumurap ako, mamimiss ko yung mga magiging sagot nya sa mga tanong ko.

My Tag Boyfriend (Season 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon