Naranasan mo na bang ngumiti?
Malamang, oo, sino ba ang hindi?
Pero nasaktan ka na ba at ngumiti?
'Yong pilit na itinago ang pighati?
Mula noon, magkaibigan na tayo
Pumupunta sa ilog at naliligo
Walang arte, walang malisyoso
Kasi nga, kapatid ang turing sa iyo.
Pero ang tanong, bakit ka nagbago?
Tila iba na ang kinikilos mo?
Hanggang sa isang araw, nagulat ako
Ikaw mismo ang sumira sa dangal ko.
Sabi mo, mangingisda lang tayo
Sabi mo, sandali lang tayo
Pero bakit dinala mo ko...
Sa kubo na pagmamay-ari niyo.
Sabi mo, tubig lang iyon
Sabi mo, walang halong pampatulog iyon
Pero bakit noong nahilo ako...
Pilit mong hinubad ang baro ko.
Nang magising ang diwa ko
Sumasakit ang katawan ko
Pero anong sinabi mo?
Paninindigan mo ang ginawa mo?
Dali-dali akong umuwi, lumuluha
Nagsumbong kina Ama at Ina
Pero alam mo ang sinabi nila?
Ginusto ko raw iyon, bahala na.
Kaya ang pumasok sa utak ko
Kunin ang lubid sa ilalim ng kubo
Hinintay kang bumalik sa tambayan mo
Doon kita sinakal at kinuha ang buhay mo.
YOU ARE READING
Broken Heart (Poem Collection)
PoetryHere are my short poems. Sana ma-enjoy niyo! :)