Tapos na

274 9 2
                                    

Noong una kitang nakilala
Hindi ko naisip na magkakaganito pala
Simple ka, walang arte
Hindi katulad ng ibang lalaki


Naging magkaibigan tayo,
Best friend pa kung ituring mo
Wala namang problema sa 'kin iyon,
Hanggang sa maiba ang ihip ng pagkakataon


Ang ngiti mo ay nag-iba
O, marahil, ang pagtingin ko sa 'yo ang nagbago na
Bawat ngiti at halakhak mo ay tila musika
Sa pandinig ng dalagang lihim kang sinisinta


Una pa lang, alam ko namang malabo na
Sabi mo nga, may kasintahan ka na
Ako naman itong si tanga, umaasa pa
Kahit alam ko namang imposible talaga


Pero alam mo, sobrang daya mo
Wala ka man lang sinabi na kahit ano
Nalaman ko na lang sa kaibigan mo
Ikinasal ka na pala sa babaeng mahal mo


Masakit, para akong hindi makahinga
Hindi makapaniwala sa lahat ng ito
Akala ko ay may pag-asa, wala na pala
Dahil sa pagkakataong ito, nakatali ka na sa kanya...

Broken Heart (Poem Collection)Where stories live. Discover now