Dating pag-ibig

133 5 2
                                    

Noong una kitang makita, walang kilig
Nakausap pa kita pero ang tingin ko sa iyo, wala lang
Ewan ko ba, hindi ko maintindihan
Lahat ay nagbago nang hindi ko inaasahan


Ang mga ngiti mo ay may kiliting hatid
Ang mga simpleng kaway o senyas mula sa iyo
Sapat na upang matuliro ang aking puso
Nawawala sa aking sarili, tumatawa sa mumunting biro


Lumipas ang panahon, mabilis pa sa alas-kuwatro
Tandang-tanda ko pa noong magkasama tayo
Sa maliit na espasyo, lumabas ang litrato mo
May kasama kang babae, marahil ay kasintahan mo


Oo, aaminin ko, nasaktan ako
Nainggit ako nang husto
"Kung payat ako, mapapansin mo ba ako?"
"Kung maganda ako, may pag-asa bang maging tayo?"


Paulit-ulit ang mga tanong sa aking isipan
Kahit isa ay hindi mabigyan ng kasagutan
O kaya naman, alam na ang sagot pero ayaw harapin
Na kahit kailan, hindi ka magiging akin...

Broken Heart (Poem Collection)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon