Kaibigan

262 9 1
                                    

Kaibigan nga ba kita?
Tanong ng makulit kong isipan
Tila hindi maintindihan
Ang lahat ng aking pinagdadaanan


Kasama kita sa bawat ngiti
Bawat tawa, bawat masayang alaala
Ngunit ngayon, ano 'ng nangyari?
Ikaw ay nagbago na


Dumating ang unos sa aking buhay
At ikaw, bilang matalik na kaibigan
Ikaw ang unang hinanap
Dahil kailangan ko ng mahigpit na yakap


Ngunit ang masakit na parte nito
Hindi kita makita, hindi mahagilap
Ika 'y lumayo mula sa akin
At hinayaan ako rito sa dilim


Gusto kitang awayin, sabihan ng kung ano-ano
Pero sino nga ba ako sa iyo?
Ako lang naman ang kaibigang iniwan mo
Sa panahong ikaw lang ang mayroon ako

Broken Heart (Poem Collection)Where stories live. Discover now