"ee anong meron kay Zhirck?"

teka pano ba toh? Pano ba ko bubwelo? >___<

"kasi.. Magkapitbahay kami.. Di ko alam na dun din pala siya nakatira sa apartment.."

o.O????

"talaga?? Aba Mars! Soulmate ata kayo ni Papa Zhirck! ^3^ ahaha.. Swerte mo Mars! Papuntahin naman ako minsan dun para makita ko ang bahay ni Papa Zhirck.. Ikaw na talaga M--- aarrraaayyy naman T3T" binatukan ko nga.. Adik toh..

"kanina nag-eemo emohan ka dyan tas ngayon tuwang tuwa ka! Baka paggising mo isang araw nasa loob kaa na ng mental.. Di ako swerte.. Malas ako.. =____="

"hehe kasi di ko kasi maiwasang di kiligin Mars! ^____^v"

kiligin? Langya yan.. Baka kadiri.. Ewwness kaya..

"tumigil ka nga Karen.. Di ka ba nandidiri sa sinasabi mo? Yak kaya! Yak!" sabi ko with acting na nasusuka ahaha..

"bakit ba? Ee kinikilig ako sa inyo ee >3< bagay kaya kayo.."

"tao kami Kar.. Di kami bagay.. Tigilan mo na nga yan.. Pero..."

"pero?"

"pero.. sabi niya friends daw kami.. Ni sa panaginip di ko iniisip na kaibigan pala ang turing niya sakin.. Nakita mo naman siguro kung pano namin kamuhian ang isa't isa.. " napayuko ako.. Napapangiti ako pag naiisip kong magkaibigan kami ni Sikoy.. Ewan ko ba.. Basta parang sayang isipin..

"talaga Mars? Ayyyyiiiiieeee Mars kelan niya sinabi? Kinikilig talaga ako *u*" niyuyugyog niya balikat ko.. Grabe parang masusuka na ko.. Ang lakas ng pagyugyog niya ee =__=

"Kar! Ano ba? Nakakahilo.. Tumigil ka nga!" ayun binitiwan niya ko.. Napahawak ako sa ulo ko.. Langya nahihilo ako sa pinaggagawa nitong baliw na toh..

"sorry Mars ^^v dali na kelan niya sinabi.. Yyiiiieee kinikilig talaga ako Mars!"

pwede bang bumalik nalang siya sa pagiging emo? Parang nagsisi ako bigla aa ahahaha...

"oo na oo na.. Sinabi niya yun nung sabado nung pumunta kami sa puntod ng Mommy niya.."

o____o

^o^

"Mars! Pinakilala ka niya sa Mommy niya? Oh my ghad hahaha.. Di ko na mapigilan yung kilig ko.. Pero p-patay na Mommy niya?"

oo nga pala di alam ni Karen na wala na yung Mommy ni Sikoy >____<

"o.. o.. Alam mo Kar, dun ko nakilala ang totoong Zhirck.. Mahal na mahal niya ang Mommy niya.. Kung nakita mo lang siya Kar.. Maaawa ka sakanya.." naramdaman ko na naman yung lungkot nung nandun kami sa puntod ng Mommy niya.. Bakit ba naaapektuhan ako ng ganito?

"totoong Zhirck? Yung mabait na Zhirck?"

"oo.. Kaso nung araw ko lang yun nakita kasi ngayon bumalik na naman siya sa dati.. Langyang Sikoy na yun.. Lagi akong inaasar nakakab----"

"wait wait Mars.. Anong sabi mo?"

ano bang sabi ko?

"nakakaasar siya.."

"hindi yun.."

"alin ba?"

"anong tawag mo sakanya?"

toinks yun lang pala =__=

"Sikoy.. Bakit ba?"

"oh my ghad.. Is that endearment? *O*"

"isa pa Kar,pepektusan na talaga kita.. Palayaw lang ni Zhirck yun =___="

"OMG! Mars!"

"ano na naman?!"naiirita na talaga ako..

"alam mo nickname niya?"

"kakasabi ko lang diba Karen =__="

"kasi naman Mars.. Ikaw lang ang nakakaalam ng nickname niya.. Even Dave and Monique doesn't know it.."

talaga? Akala ko ba bestfriend sila ni Dave bakit di nila alam?

"ee ano? "

umayos siya ng upo at tumingin sakin ng deretso.. Langya talaga toh.. Ano na naman kayang kabaliwan ang tumatakbo sa isip nito =__=

"Mars ibig sabihin pinagkakatiwalaan ka niya.. Mars kinikilig ako ahaha"

"tumigil ka na nga!" umiwas ako ng tingin.. Bakit ganun parang natutuwa ako na malaman na ako palang ang nakakaalam ng nickname ni Sikoy? Ay dalawa pala kami ni Nanay Berta.. =__= kung hindi naman tinawag ni Nanay Berta si Sikoy sa palayaw niya di ko rin naman malalaman ee..

"hoy Mars.. Are you listening? Tingin ko malayo na yang nalalakbay ng isip mo.. Nakarating na siguro nyan sa patutunguhan niya ahahaha"

"tsee! Bumalik ka na nga lang sa pag eemo.."

pagkasabi ko nun unti unting nawawala ang ngiti ni Karen sa labi niya at yumuko siya.. Hala ano ba tong nasabi ko >___<

"Kar.. Di ko nam---"

"hi Karen! Hello Al"

--

pinutol ko ^^v

comment kayo ha.. Salamat sa inyo ^______^

-MabuHangin benteotso

Falling Inlove With My EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon