"Ang talino mo talaga Iki Unnie. Naisip mo yun. Tatlong pagkain sa isang meal. Napaka creative i swear itatry ko yun."- Mimi

Napaface palm na lang lahat ng nakikinig samin. Tulad kanina nakatulala lang sila sa pagkain. Ano namang nag pollute sa kanila ngayon wala naman ng usok.

--

Gabi na at ako na ang magluluto. At dahil gusto ko ng kimchi spagetti yun ang dinner namin ngayon.

Medyo sog nga lang yung noodles nakalimutan ko kasing tangalan ng tubig. Tapos naging color purple yung sauce waaahhh bakit ganun??

"Winter ano ito?"- Roo

"Kimchi spagetti."

"bash bakit kulay purple??"

"Di ko alam baka purple cabbage nagamit ko sa kimchi."

"Nakakain ba ito Unnie?"

"Naman kain na. "

Pagkasubo namin yung iba nabulunan, yung iba nasamid, yung iba natulala, yung iba nahimatay. Ganun ba talaga lasa ng luto ko? Pero i admit it masama nga ang lasa.

"Bash lakas mo manlait kanina pareho lang pala tayong walang future sa kusina."

"Waaahhh bash salamat sa pagdamay mo."

"Winter anong nilagay mo dito?"- Glen

"Yung hot sauce na kulay purple."

"What winter hindi yun hot sauce. Yun yung poison na ginawa mo para sa bali ng buto."- Leo

"Ay kaya pala mapilyar yung lalagyan hehe sarrehh. Kaya pala nahimatay sila mwahahaha."

"Bash alam mo minsan iniisip ko kung genius kaba talaga. Bakit pagdating sa kusina muntanga ka"- Iki.

"sarreh okay sarreh."

--

At dahil sa pare pareho ang lasa ng luto namin sasabihin ko na lang ang mga niluto nila. At masasabi ko wala kami pare parehong future sa kusina.

Si Nathan hyung nagluto ng adobo. Nagtalo pa sila ni Leo hyung kung ano bang nilalagay sa adobong manok. Okra daw ba o talong. At dahil di sila magkasundo sundo. Bandang huli pareho na lang nilagay ni Nathan hyung sa adobo ang talong at okra. Ang lasa?? walang lasa. Nakalimutan niyang lagyan ng toyo.

Si Ryuu hyung kala ko petiks lang sa kusina. Kalmado eh kala tuloy namin okay na yung niluluto niya kaya lang. Yung menudo niya nilagyan niya ng peanut butter. Edi two in one Menudo na kare kare pa.

Si Kevin hyung naman minura yung mga gulay. Bakit daw ba di gumalaw pag hihiwain niya. Nung di sadyang nagalaw niya minura niya ulit bakit daw gumagalaw. In the end di niya ginamit mga gulay may sapi daw kasi. Kaya yung vegetable soup niya parang tubig lang na may macaroni.

Si Kai hyung yung sinigang niya nilagyan niya ng bawang at luya. Pantanggal daw kasi yung luya ng lansa. Anong malansa sa sinigang for Pete's sake.

Si Rhon hyung yung omelet na niluto niya naging soup kasi may sabaw. Pano nagkasabaw ang omelet. Paki explain please.

Si Leo Hyung nagluto ng mechado. Kung mechado nga ba yun. Wala akong masabi maliban na lang sa pangit ang lasa.

Si Glen hyung nagluto ng pizza nung kinain na namin may malilit pala na mouse trap. Tawa lang siya ng tawa putek habang kami hirap tanggalin yung trap sa bibig namin. Tandaan wag hayaan ang troll sa kusina.

Si Sky hyung ang pinakamasklap. Di niya alam kung ano ang tawag sa niluto niya. Basta pinaghalo halo lang niya lahat ng makita niya sa kusina. Patiwakal ka na lang hyung.

Si Min wei di namin pinapasok sa kusina kasi kung masaklap si Sky Hyung mas masaklap siya magluto. Dati nagluto siya pati blender at toaster sinama niya sa niluluto niya.

Sa huli yung lima na lang ulit ang nagluto. Pinagkatiwala na lang namin ang pagkain sa mga boaders at friends namin. Kasi baka ikamatay pa naming lahat pag nagpatuloy ang pagkain namin ng niluluto namin.

Si Thunder hyung di pa din gising. Its been 5 days pero di pa din siya nagigising kaya pinadala ko na siya sa ospital. Sinamahan siya ni Ren, Roo at Ralph. Habang ang Shadow naman bumalik ulit sa korea dahil may naghahari daw sa battle feild. Si Mimi at Min wei nagshopping sinama nila si Rina papagandahin daw nila. Si Clyde naman sinamahan ni Bash kina Aunt Ellie hinatid sila ni Raikoo.

Ang masaklap naiwan akong mag isa sa bahay ang loner ko tuloy. Haaayyy dati naman sanay ako mag isa pero bakit ngayon parang ang hirap pag wala sila lahat.

Pumunta na lang ako sa room ko. Nakatingin lang ako sa langit. Mukha kasing uulan. Pati langit nakikiramdam sakin. Kailan ba ako sasaya?? Kailan ba ako makakaalis sa matinding pagdudusa.

Nagsimula ng umulan ng malakas. Kumulog at kumidlat. Hindi ko alam kung anong nangyayari sakin. Nawawala na ako sa sarili ko. Di ko na makontrol ang sarili ko. Gusto kong lumabas ng bahay at pumatay. Pilit nag faflashback sa isip ko ang sinapit ni Autumn. Hindi ko na alam kung ano ang ginagawa ko. Next thing i new hawak ko na ang samurai ko at handa na akong patayin kahit sino pang masalubong ko.

Bago mahuli ang lahat nai on ko ang automatic security system ng bahay para di ako makalabas at makapatay. Mga gamit sa bahay ang hinampas ko ng samurai. Di ko mapigilan ang katawan ko na manira ng mga gamit. Good thing mag isa lang ako dito sa bahay kundi di ko alam kung anong mangyayari sa kanila kung nandito silang lahat.

Habang lumalakas ang ulan at kulog pati na din ang kidlat nawawala na ako ng tuluyan sa sarili ko. Umiiyak lang ako habang naninira ng gamit. Nang mabitawan ko ang samurai ko napaupo na lang ako sa tabi ng hagdan ng umiiyak. Wala na akong maramdaman kundi galit at kagustuhang pumatay.

Umiyak lang ako ng umiyak ng may naramdaman akong yumakap sakin.Di ko alam kung sino siya pero napakalma niya ako. Unti unting nawala ang galit ko kasabay ng pagkawalan ko ng malay.

_____________________________________

ceikret

**edited**

ai wo

Revenge of the Gangster's TwinWhere stories live. Discover now