Part 17. Flashback

12.3K 209 1
                                    

"HI, AKO nga pala si Aleli. Ikaw, anong pangalan mo?"

Napalingon si Melanie nang marinig ang malambing na tinig na iyon ng isang babae. Third year college na siya kaya hindi na niya inaasahan ang mga ganoong pagpapakilala. Halos lahat ng mga kaklase niya ay kilala na niya. Pero ang isang ito yata ay transferee. Tumabi ito sa kanya.

"Hello. Ako si Melanie. Bago ka dito?"

Tumango ito. "Sa America kami dati naka-base pero napagpasyahan na ng mga magulang ko na dito na manirahan kaya nakasama ako. Solong anak kasi ako kaya hindi na lang nila ako pabayaan basta. I hope we could be friends," inilahad nito ang kamay.

Maraming kakilala si Melanie pero wala siyang masasabing ka-close na kaibigan niya. Hindi siya iyong tipo ng tao na mahilig makipagsosyalan. Pagkatapos ng klase ay diretso dorm lang siya. Kung may social life man siyang maituturing, iyon ay ang pakikipag-usap niya sa nag-iisang best friend niya---si Augustus. Ganoon pa man, tinanggap niya ang pakikipagkaibigan ni Aleli.

Mabait si Aleli. Nagkakasundo sila sa maraming bagay kaya naman ng mga sumunod na araw, tinanggap niya ang pakikipagkaibigan nito. Lalo pa silang napalapit sa isa't isa nang malaman niyang kapareho niya ay may best friend rin itong lalaki---si Michael.

"Bata pa lang kami ay magkaibigan na kami ni Michael. Kapitbahay namin sila noong nasa America pa ako. Sabay kaming lumaki. Marami kaming pinagkakasunduan, isama pa na napakabait rin niya. Sa lahat ng pagkakataon ay palagi kaming magkasama. Gustong-gusto ko ang company niya." Pagkukuwento nito.

"Talaga? Ganyang-ganyan rin ang nararamdaman ko sa best friend ko na si Augustus," ikinuwento niya rito kung paano sila nagkakilala nito at kung paano tumagal ng ganoon at katatag ang relasyon nila.

"Wow, ang galing niyo naman. Pero teka, bukod pa sa pagiging matalik na kaibigan, may nararamdaman ka rin sa kanya?"

"Ang ibig sabihin mo ba, kung in love ako sa kanya?"

Tumango ito.

Napaisip si Melanie. Kinapa ang nararamdaman sa dibdib. Sa buong buhay niya ay walang lalaking nakalapit sa kanya nang ganoon kung hindi si Augustus lang. Sabik siya palagi na kausap ito, gustong-gusto niya ang pakiramdam ng kasama ito pati na rin kapag hinahalikan siya nito. Sinabi niya ang lahat ng nararamdaman kay Aleli.

"In love ka nga," she concluded.

"Paano mo naman nasabi? Naranasan mo na ba ang ma-in love?"

Ngumiti ito. "Sa totoo lang, in love talaga ako. In love ako kay Michael. Ganoon rin siya sa akin. Sabi nila, hindi daw maganda ang magkaroon ng romantic relationship sa matalik na kaibigan pero anong magagawa namin? Pareho kaming na-fall sa isa't isa. Mahal ko si Michael at ganoon rin siya sa akin."

"Okay lang 'yun sa kanya? Kahit long distance kayo?"

"Love knows no boundaries. Sabi niya ay willing naman siyang mag-adjust. Araw-araw kaming nagkakausap sa tulong na rin ng internet. Isa pa, ipinangako niya sa akin na sa tuwing bakasyon niya sa kolehiyo, pupunta siya ng Pilipinas para dalawin ako. Malaki rin ang tiwala ko sa kanya. Magiging maayos ang lahat sa amin," sagot ni Aleli. "Ikaw ba? Kapag nagtapat sa 'yo ng pag-ibig si Augustus, papayag ka ba?"

Nagkibit-balikat siya. "Siguro. Pero hindi pa ngayon. Bawal pa akong mag-boyfriend,"nilinaw na sa kanya iyon ng mga magulang niya. Gusto ng mga itong makapagtapos muna siya bago siya makipagrelasyon. Sa tingin niya ay may pagkakonserbatibo rin ang mga ito.

Tumango lang si Aleli.

Nasaksihan ni Melanie ang naging takbo ng relasyon nina Aleli at Michael. Makuwento ito. Lahat yata ng kilig na nararamdaman nito sa nobyo ay sinasabi nito sa kanya. Natutuwa naman dito si Melanie. Minsan pa nga ay naiisip na maaring magkaroon rin sila ng ganoong relasyon ni Augustus. Hindi malabo. Nararamdaman niya na may pagtingin rin naman sa kanya si Augustus. Palagi nitong sinasabi na nami-miss siya nito at gusto na makasama siya. Parang kaggaya ng nararamdaman niya rito na sinabi ni Aleli na nagpapahiwatig na in love na nga siya.

International Billionaires Book 2: Augustus Foresteir (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon