Nagkita kita kami sa mall at namili ng mga pagkain. Ang dami nga, eh. Kala mo isang buwan titira kanila Abigail samantalang isang gabi lang.

Ngayong on the way na kami, tinext ko ko si Abigail. Ano kaya ang ginagawa niya?

To: Abigail

San ka

Text ko sa kanya.

From: Abigail

Bahay

Buti naman at nasa bahay siya.

To: Abigail

Gawa mo?

From: Abigail

About to sleep bye

Ang sungit talaga. Galit kaya 'yon sa ginawa ko kagabi?

Pagdating namin sa tapat ng bahay ni Abigail ay bumusina ako ng bumusina. Paulit ulit. Ang tagal niyang lumabas, eh.

Maya maya may naririnig na akong babaeng sumisigaw. There you go.

Nagsilabasan na kami sa kotse.

"Ano nanaman Gonzalez?!" Sigaw ni Abigail sakin. "Oh guys, Paui, bakit kayo nandito?" Pag baling niya kila Paui. Nagulat siya pagkakita sa kanila.

-

Frans' POV

"We're gonna have a sleepover!" Sabi ni Zimmer habang naka ngiti ng malaki.

"Sleepover? Saan?" Takang tanong ko.

"Ang engot mo. Malamang dito." Sabi ni Apxfel. Aba!

"Dito?! Bakit?" Tanong ko ulit. Tapos sila tinuro nilang lahat si Apxfel. Kaya tinignan ko siya ng masama.

"Wala lang, walang pasok e. Boring." Sabi niya.

"Eh bakit dito?"

"Gusto ko e, pake mo ba." Aba talaga 'tong kumag na to. Anak ng gumamela!

"Ayoko." Sabi ko tapos ay nakita kong nag pout sila Paui, Zimmer, pati si Dom. Nakita ko din yung mga bitbit nilang sandamakmak na pagkain. Sayang naman. "Pssssh! Sige na nga tara na."

Pinapasok ko na sila sa bahay.

"You're house is really nice." Sabi ni Dominic.

"Thanks." Sabi ko tapos pina upo ko sila sa sofa. "Oh ano trip niyo gawin. Swimming, movie marathon or what?" Tanong ko.

"Swimming swimming!" Sigaw ni Zimmer.

"Sige swimming muna tayo." Sabi nila.

First time ko din na mag swimming dito sa pool ng bahay. Hindi ko lang feel na mag swimming mag isa! Alam mo yung ganun?

Hinatak ko si Paui para mag prepare ng pagkain sa kusina.

"Hoy ikaw. Di mo manlang sinabi sakin 'to." Sabi ko kay Paui.

"Sorry, Frans. Eh kasi pag sinabi ko baka hindi ka din papayag. And maganda naman 'to para makapag bonding tayo, diba?"

"For all I know, si Zimmer lang naman ang gusto mo maka bonding." Sabi ko sabay tawa.

Nagbihis na kami ng pang swimming namin. Si Paui naka two piece tapos naka shorts. Ako naman naka two piece na black, naka shorts din ako pero may pang ibabaw ako na lose white t-shirt.

Nagpunta na kami sa pool area, bitbit namin yung mga pagkain. Nilapag namin lahat ito sa table.

Pag lingon ko, bumungad sa akin yung tatlo.

Destined with the Bad BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon