Chapter 63

312K 8.2K 1.3K
                                    

Chapter 63

Pretentions

Frans Abigail's POV

Nahiga na agad ako sa kama sa sobrang pagod. Madilim na rin at ang dami na naming nagawang apat. Oo, kasama namin sila sa buong lakad namin. They insisted...

Pag katapos mag swimming ay sumubok kami sa banana boat, snorkeling at parasailing. May bayad kada activity pero okay lang. Sobrang saya kasi ng lahat ng 'yun!

Ang pinaka gusto ko ay ang parasailing. It was breathtaking.

Takot sumubok si Bobbie kaya kaming tatlo lang nila Calix ang nag parasailing.

Nakakailang nga dahil pinag gigitnaan nila ako ni Apxfel. Medyo matagal din sa tuktok kaya ang awkward talaga. Tahimik lang kaming lahat...

Gayunpaman, inenjoy ko na lang ang pag tingin sa buong view.

Buti nga at hindi napansin ni Calix yung t-shirt na suot ko, e. Kapag nagkataon ay baka magkaroon pa ng komosyon...

Pagtapos, kumain naman kami at nag libot-libot hanggang sa Station 3.

Sa totoo lang, kahit nagkakailangan kami ay okay na din. Hindi naman talaga maiiwasan yun... Kaya inisa walang bahala ko na lang.

9:00 pm na ngayon. Tulog na yata itong si Bobbie. Kahit pagod ako, ewan ko pero hindi ako makatulog.

Bumangon ako at pumunta doon sa may terasa.

Ang ganda ng view kahit gabi na. Matatanaw ang maraming ilaw roon... Ang sarap din sa pakiramdam ng simoy ng hangin. Nakaka relax.

Nagulat na lang ako ng mapalingon ako sa gilid ko. Si Apxfel!

Hala? Kanina pa ba siya nandito?!

"Hindi ka makatulog?" tanong niya sa akin. Tumango lang ako.

Pinakiki-ramdaman ko lang siya. Ang tagal bago siya kumibo ulit.

"Punta tayo doon sa pampang." sabi niya, kaya naman napatingin agad ako rito.

"Ha?" takang tanong ko.

"Usap lang tayo."

Sinundan ko lang siya na lumabas ng kwarto. Hanggang sa makarating kami malapit sa dagat.

Hindi ko alam kung bakit ba ako nagpapatiyanod sa kanya...

Umupo siya sa buhangin at ganoon din ang ginawa ko. We stayed like that for a while.

Seizing the little splash of salt water on our feet and embracing the breeze of the fresh air.

"Abigail."

Biglang tawag ni Apxfel sa'kin kaya agad naman akong napatingin sakanya... Hindi siya naka tingin sa'kin. Iyong mga mata niya ay nakatuon sa may kalayuan.

"Abigail, you're one of the best thing that ever happened in my life."

I felt a sudden shiver down to my spine. What now? Why is he saying these words?

"And I will always be thankful that you happened." dagdaf pa nito. Hindi ko alam pero parang nag dudulot yun ng kung ano sa sistema ko.

Naramdaman ko rin 'yung mumunting tubig sa mga mata ko.

"Abigail, mahal kita." he said, and then his eyes flashes through mine. I don't know what to say. And I don't even know what to expect.

"Apxfel..." naputol ang sasabihin ko ng bigla ulit siyang nag salita.

Destined with the Bad BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon