Chapter 75

295K 8.2K 689
                                    

Chapter 75

Shut down

Christan Apxfel's POV

Mabilis akong pumunta ng ospital ng matanggap ko 'yung text ni Calix.

Nahimatay daw si Abigail.

I am so damn worried! Halos paliparin ko na nga 'yung kotse ko makarating lang agad doon sa ospital.

Pag dating ko, nakita ko si Calix na nag-aantay sa may tapat ng Emergency Room.

"Anong nangyari?" tanong ko kay Calix na nakatulala.

"Anong nangyare?!!" sigaw ko sabay ang pagkwelyo ko sa kanya.

Nag-usap lang sila ni Abigail and then the next thing I new, nasa ospital na ang fiancee ko?

"Hindi ko rin alam, okay?!" sagot niya tapos ay inalis niya ang pag kakahawak ko sa kanyang kwelyo.

"Pauwi na kami... tapos ay pagkalabas namin sa coffee shop, bigla siyang nahimatay." dagdag ni Calix.

Umigiting ang panga ko.

"Nahimatay?! Nahimatay, Calix? Nasa emergency room siya! Hindi lang iyon ganoon!"

"Christan, pwede ba? Wag ngayon! I am worried too! Hindi ko rin alam kung bakit siya biglang nahimatay at kung bakit hanggang ngayon nasa loob pa din siya ng ER!"

"Anong ginawa mo ha? May ginawa ka ba kay Abigail?!" pagalit kong tanong.

"Don't be such an ass, Christan! Alam mo sa sarili mo na kahit kailan hindi ko magagawang ipahamak si Abigail!"

Nagsisigawan na kami ni Calix. Tanging ang boses lang naming dalawa ang bumabalot sa waiting area.

Kung hindi pa dumating 'yung mga magulang ni Abigail, baka nag suntukan na kaming dalawa.

"Tell us what happen, Calix." hayag ni Tita na naluluha na.

"Tita, we just talked and ate at the coffee shop. She was okay the whole time. Tapos ay bigla na lang po siyang nag-ayang umuwi. Pag labas namin, nahimatay na siya. I don't know what to do, I panicked. Isinakay ko lang agad siya sa kotse at dinala dito sa ospital." saas ni Calix sa Mommy ni Abigail.

"Na food poison kaya si Abi?" tanong naman ni Tito.

"I don't think so, Tito. Pareho lang po kami ng kinain ni Abigail. At saka po, lagi din kaming nasa coffee shop na 'yun." ani Calix.

Napahawak na lang ako sa aking noo.

Humupa na rin 'yung pagkabwisit ko kay Calix. Tama siya. He won't hurt Abigail and I know it.

Talagang alalang alala lang ako.

Patuloy lang kaming nag antay sa tapat ng emergency room.

Ang tagal tagal na niyang nasa loob at walang doctor na lumalabas para kausapin kami. Bawal naman din kaming pumasok doon sa loob ng ER.

What the hell is happening?!!

Gustong gusto ko nang makita si Abigail, gusto ko siyang mayakap. Gusto kong malaman na okay lang siya.

Mababaliw na nga yata ako kakaantay!

Umalis na lang muna ako sandali.

Pumunta ako sa may Cafe doon para bumili ng inumin.

Kailangang makapag relax ng utak ko kasi baka bigla ko na lang sugurin iyong emergency room na 'yon!

Destined with the Bad BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon