Chapter 22

473K 12.5K 678
                                    

Chapter 22

Christmas Party

Ngayong araw na ito gaganapin ang Christmas Party ng batch namin.

Naghahanda na ako dahil susunduin na ako ni Axpfel mamaya. Syempre dapat daw sabay kaming pupunta sa venue. Hindi daw pwedeng hindi. Ang kumag na yun talaga, ang lakas magpakilig!

The motif of the party is red and black. I just wore a simple red dress. Binili namin ni Paui 'yun sa mall noong nag shopping kaming dalawa.

Maya maya nakarining na ako ng door bell. Medyo nagulat ako, akala ko kasi tunog ng busina ang maririnig ko.

I opened the door and saw Apxfel standing right there, holding a flower in his hand...

I was stunned. He look so handsome tonight.

"Good evening, babe." He said and handed me the flower.

This guy is really sweet.

Pagsakay namin ng kotse ay napansin kong nakatingin lamang siya sa akin.

"Bakit?" Tanong ko dito. Baka kasi may kung anong dumi na ako sa mukha.

"Sorry. I can't help it. You're just so beautiful." Oh crisps!

Agad akong may naramdaman na kung ano sa tiyan ko. It seems like there is a hundreds of butterflies playing on my stomach. How could he do that?

Pagdating namin sa venue ay napatigil na lang kami dahil sa sobrang ganda ng set-up nito. Pinaghandaan talaga nila Zimmer itong party.

"Hi guys!" Bati ni Paui habang papalapit sila ni Zimmer sa amin.

"Wow guys, ang ganda ng venue!" Sabi ko.

"Syempre!" Sabi ni Paui tapos nag apir sila ni Zimmer. Ang cute talaga nilang dalawa.

Nakipag get a long kami sa iba pa naming batch mates. Ang dami din pala naming 4th year students sa PWA.

Nung kainan na, ang sarap din ng mga handang putahe. Ang dami ko ngang kinuha, gutom na kasi talaga ako. Hindi na ako nakapag tanghalian kanina. Bali lunch at dinner ko na ito.

Ito namang si Apxfel makatawa sa pinggan ko akala mo wala ng bukas. Tsk! Akala mo naman kaunti yung kinuha niya.

Mag sasalita na sana ako pero nahalikan niya na ako agad sa pisngi ko. Kaya ayun, natameme na ako at hindi na nakapalag pa. Eh kasi naman, paano?!

Matapos kumain tumayo muna si Apxfel, may aayusin daw sila saglit ni Zimmer. Kaya ayun nakipag kwentuhan muna ako sa mga classmates namin.

Napag usapan namin kung gaano kaganda yung venue, pati yung motif ng party na ni re-represent ang 'Love'.

Medyo na alarma nga ako nung dumako sila sa usapang kolehiyo.

Kung anong kurso ang kukunin nila at kung saan sila mag-aaral. Bigla tuloy akong napaisip. Syempre may plano na ako noon pa man sa kurso na kukunin ko at sa eskuwelahan na pag-aaralan ko pero kasi iba na ngayon.. may Axpfel na ako.

Nakakainis. Hindi ko manlang na open yung topic na 'to kay Apxfel. Medyo kumirot ang puso ko kakaisip.

Paano kaya sa college? Ano kayang kurso ang kukunin niya? Saan kaya siya mag aaral? Is there any chance na pareho kami ng school na papasukan? Paano kaya yung relationship namin kung magka ibang school kami?

Ang daming tanong na ang namalagi sa utak ko. Bumalik lang ako sa ulirat ko ng inabutan ako ni Apxfel ng juice.

"Ang seryoso mo yata?" Tanong niya sa akin.

Destined with the Bad BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon