Chapter 69

296K 8.5K 1.3K
                                    

Chapter 69

The Real Deal

Frans Abigail's POV

"Opo, Mom. Patapos na po." sagot ko kay Mommy nung tinanong niya ako kung tapos na raw ba akong mag ayos.

Naglalagay na lang naman ako ng lipstick.

Paglabas ko sa kwarto ay nakita kong nasa baba na sila.

"We will going to meet some business partners, anak. Kaya aligaga yang Mommy mo." sabi ni Daddy.

"Ahhh... pero Dad, bakit po kailangan pa na kasama ako?" I asked.

Hindi ko maiwasan na hindi magtanong kay Daddy. Business kasi iyon at wala naman akong puwesto sa kung ano man para makisali sa usapan nila.

"Basta. You need to be there, Abi. We all need to the there." sagot naman ni Mommy.

Kinakabahan na ako. Ano bang mayroon? Ipapamana na ba nila ang kumpanya sa akin? Hindi pa naman siguro. Ni hindi pa ako nakaka graduate!

Mabilis kaming nakarating doon sa restaurant. Smooth lang din 'yung byahe dahil gabi na.

Pagdating namin doon ay umupo na kami sa reserved table.

"Wala pa sila. Maybe I'll just give them a beep that we're already here." saad ni Mommy, pero bago niya pa makuha 'yung phone niya, mayroon nang lumapit sa amin.

Nagbatian sila. At ako? Hindi ko alam ang gagawin ko. Tumayo lang ako at ngumiti sa kanila.

"Is she your daughter?" tanong nung babae kay Mommy. "She's really beautiful, Amiga." sabi pa nito.

"Amiga, Amigo, this is my daughter, Frans Abigail." pag papakilala ni Mommy sa akin doon sa dalawang business partners.

"And Abigail, this is Mr. and Mrs. Gonzalez."

Nagulat naman ako nung ipinakilala ni Mommy sa akin iyong business partners. 'Gonzalez' daw. Jusko lang! Hanggang dito ba naman hindi ako pinapatahimik ni Apxfel?

Pati apelyido niya, nag paparamdam!

"Good evening po." bati ko sa kanila habang naka ngiti.

"I'm sorry, our son will be a little bit late. Sa condo na kasi 'yun naka tira." sabi naman ni Mr. Gonzalez.

Ano raw? Son? Pati iyong anak nila e kasama rin sa business dinner na ito?!

Hindi ko na maintindihan.

Nag-order na sila ng pagkain. Habang ako, ang likot likot na ng isip ko. Ano ba ito? Magiging share holders ba sila? O baka naman nalulugi na ang kumpanya namin kaya ibebenta na ng parents ko sa kanila? O sila iyong mag bebenta sa'min?

Lumilipad na sa kung saang aplaya 'yung utak ko nang bigla akong tinawag ni Mommy.

"Abigail, we want to talk to you about something really important."

"Ano po 'yun?" takang tanong ko.

"Ohh... here he is." bigla namang tayo ni Mr. Gonzalez.

Agad kong nilingon kung sino iyong nilapitan niya.

At halos malaglag ako sa kinauupuan ko nang makita ko kung sino iyon.

Destined with the Bad BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon