Scene 16

11.3K 21 3
                                    

*Maria Clara(Mika)
*Sinang(Fybe)
*Iday(Yla)
*Albino(Kyle)
*Victoria(Tonee)
*Don Crisostomo Ibarra(Kevin)
*Binata 1(Alfred)
*Dalaga 1(Esther)
*Andeng(Lou)
*Ketongin(Aira)
*Tatlong Guwardiya Sibil(Ronel Onin Jed)

-------------------------------------------

*Napansin ni Maria Clara ang taong may ketong*

Maria Clara:
"Sino ang kahabag-habag na taong iyan?"

Iday:
"May apat na taon na siyang ganiyan. Nakatira siya sa libingan ng mga Intsik."

Dalaga 1:
"Ang sabi ng iba ay nahawa siya sa sakit ng kaniyang ina. May iba namang nagsabi na nakuha niya ang sakit na iyan sa bilangguan."

Andeng:
"Lumalayo siya sa mga tao at minsan ay pinapalo siya ng kapitan."

Maria Clara:
"Ha?! Bakit naman?"

Andeng:
"Iniligtas niya kasi ang batang nalulunod sa kanal, at ang sabi ng kapitan ay mas mabuti pang malunod ang bata kaysa naman mahawaan ng ketong."

*Ibinigay ni Maria Clara ang kaniyang 'locket' sa pulubi.Hinagkat ng pulubi ang ibinigay ni Maria Clara sa kaniya*

Maria Clara:
"Sa'yo na po iyan!"

Victoria:
"Walang saysay ang hiyaso sapagkat taong makikipagpalit sa kaniya ng pagkain sa takot na mahawa sa kaniya."

*Biglang sumulpot si Sisa at lumapit sa ketongin. Mahigpit niyang hinawakan ang kamay nito*

Sisa:
"May sakit ang kura kaya't hindi ko na dinadalaw sina Crispin at Basilio. Maraming onsa ng ginto ang kura at maaaring mawala ang mga ito.Dinalhan ko siya ng ampalaya at sarsalida...may dalawa akong anak!"
(tumakbo papalayo ng parang baliw)

Maria Clara:
"Hindi ba't may ginawa ka para tulungan ang baliw na iyan?"

Don Crisostomo Ibarra:
"Sa ngayon ay wala pa. Ngunit nakausap ko ang kura at nangako siyang tutulungan niya ako. Ayaw niyang ipabatid sa mga guwardiya sibil dahil may kutob siyang may kinalaman ang mga ito sa pagkawala ng dalawa nitong mga anak at sa pagiging baliw nito.Maging ako ay pinag-iingat nito."

*Biglang sumulpot ang mga guwardiya sibil na bitbit na si Sisa*

Maria Clara:
"Anong kasalanan niya?"

Guwardiya Sibil:
"Siya ay nanggulo!"

Noli Me Tangere Script Where stories live. Discover now