Scene 15

7.5K 16 0
                                    

*Kapitan Tiago(Dem)
*Don Crisostomo Ibarra(Kevin)
*Maria Clara(Mika)
*Sinang(Fybe)
*Iday(Yla)
*Dalaga 1(Esther)
*Albino(Kyle)
*Binata 1(Alfred)
-------------------------------------------

Kapitan Tiago:
"Para sa akin, magiging banal at napakagandang paaralan ang ipapatayo mo kung tatawagin ito ay Paaralan ni San Francisco."

Don Crisostomo Ibarra:
"Titignan ko po kung babagay ang pangalang iyan."

Iday:
"Don Santiago maaari po bang mamasyal kasama si Maria Clara?"

Sinang:
"Oo nga po, tiyak masisiyahan siya!"

Kapitan Tiago:
"Oh sige basta dapat ay umuwi kayo agad sapagkat darating si Padre Damaso.At mas mabuti sigurong dito na rin kayo maghapunan!"

Sinang, Andeng at Dalaga 1:
"Maraming salamat po!"

Kapitan Tiago:
"Ikaw Crisostomo ay malugod kong inaaanyayahan!"

Don Crisostomo Ibarra:
"Maraming salamat po, subalit mayroon din akong mga panauhing darating."

Kapitan Tiago:
"Kung ganoon ay dalhin mo nalang dito ang iyong mga panauhin sapagkat marami din naman akong ipinahandang pagkain. At isa pa, nais kong magkaunawaan na kayo ni Padre Damaso."

Don Crisostomo Ibarra:
"May ibang panahon po para pag-usapang ang bagay na iyan, sa ibang pagakakataon lamang po."

Binata 1:
Tara na!

*Umalis na ang mga dalaga't binata kasama sina Maria Clara at Don Crisostomo Ibarra*

Noli Me Tangere Script Where stories live. Discover now