Scene 2

23.8K 64 7
                                    

*Mga extra(Esther, Mariella, Erica, Marnette)
*Padre Damaso(Brien)
*Padre Sibyla(Jed)
*Kapitan Tiago(Dem)
*Don Crisostomo Ibarra(Kevin)
*Ginoong Laruja(Onin)
*Binatang may Mapulang buhok(Jeg)

------------------------------------------

*Nag-uunahan ang mga tao papuntang hapag-kainan*

*Nag-aagawan sina Padre Damaso at Padre Sibyla sa iisang upuan*

Padre Sibyla:
"Kayo na po ang umupo Padre Damaso sapagkat kayo ay nakatatanda at mataas ang katungkulan at kapangyarihan."

Padre Damaso:
"Hindi naman po katandaan, mas nararapat po kayo dahil kayo ang kura ng bayang ito."

Padre Sibyla:
"Sumusunod lamang po ako kung inyong pinag-uuutos."
(umupo sa upuan)

Padre Damaso:
"Hindi ko pinag-uutos!"

*Hindi pinansin ni Padre Sibyla si Padre Damaso*

Padre Damaso:
(naghanap ng mauupuan)

Kapitan Tiago:
(pumasok)

Don Crisostomo Ibarra:
"Kapitan Tiago! Saluhan ninyo kami!"

Kapitan Tiago:
"Huwag ninyo akong alalahanin, ang pagsasalong ito'y pagpapasalamat sa birhen sa inyong pagdalo."

*Inihain na ng utusan ang tinolang manok,pinagpasapasahan ng mga tao ito hanggang sa makarating ang tinolang manok kay Padre Damaso ay matigas na pakpak at leeg na lamang ang natitira*

Ginoong Laruja:
"Ibarra! Ilang taon ka na ngang nawala rito sa Pilipinas?"

Don Crisostomo Ibarra:
"Halos pitong taon po."

Ginoong Laruja:
"Kung gayon ay nalimutan mo na ang Pilipinas."

Don Crisostomo Ibarra:
"Hindi po,ako marahil ay malilimutan ng aking bayan,samantalang lagi ko namang naaalala ang aking lupang sinilangan."

Binatang may Mapulang buhok:
"Ano po ang ibig ninyong sabihin?"

Don Crisostomo Ibarra:
"Isang taon rin akong hindi nakabalita sa Pilipinas. Ni hindi ko nabalitaan ang pagkamatay ng aking ama"

Ginoong Laruja:
"Uhmm maiba tayo, anong bansa ang nakita mo at naibigan?"

Don Crisostomo Ibarra:
"Kapuri-puri ang mga bansang aking  napuntahan kung hindi isaalang-alang ang pagmamahal sa bayan. Ang kaginhawaan at kahirapan ng isang bayan ay kaugnay ang kanilang kalyaan at kagipitan"

Padre Damaso:
(natawa)
"'yan lamang ang matutuhan mo?Kahit batang paslit ay alam 'yang sinasabi mo!"

Don Crisostomo Ibarra:
"Ipagpaumanhin ninyong lahat na ako'y musmos parin kagaya ng dating madalas silang magsalo ng aking ama sa aming maralitang hapag."
(tumungga ng alak)
"Ako'y aalis na po"
(umalis)

Padre Damaso:
"Kung ako ang masusunod, dapat lang na ipagbawal ng pamahalaan ang pagpapadala ng isang Indio sa Europa dahil sa masamang epekto nito"

Noli Me Tangere Script Where stories live. Discover now