Scene 10

10.3K 23 2
                                    

*Don Filipo(Ako)
*Kabataan 1(Lou)
*Kabataan 2(Kiarra)
*Kabataan 3(Erica)
*Don Crisostomo Ibarra(Kevin)
*Guro(Abriale)
*Kapitan Basilio(Jeg)
*Matanda 1
*Matanda 2
*Matanda 3

-------------------------------------------

Don Filipo:
"Tila nakakawalang tiwala at nakakapagduda ang kinikilos ng ating kapitan.Hindi maaaring ipagpaliban ang usapin tungkol sa gastusin at baka tayo ay galuhin ng oras. Ilang araw nalang ang nalalabi bago sumapit ang kapistahan."

Kabataan 1:
"Ang kapitan ay nagpaiwan sa kumbento."

Kabataan 2:
"Walang problema iyon kung ang mananalo ay ang kagustuhan ng mga matatanda."

Don Filipo:
"Alam kong napakahirap kalabanin ang mga matandang katulad nila, ngunit ako na ang bahalang iharap sa kanila ang ating mga plano."

Kabataan 2:
"Paano po ninyo gagawin iyon?"

Don Filipo:
"Nakausap ko si Pilosopong Tasyo at siya ang nagbigay sa akin ng dapat nating gawin upang mapagtagumpayan ang ating pinaplano at hindi manaig ang kagustuhan ng mga matatanda.Naniniwala siyang ang nga matatanda ay sumasalungat lamang sa atin kaya ang ating mga imumungkahi ay ang mga hindi natin gustong mangyari.Ang mungkahing mananalo ay ang mga mungkahing laban sa atin. Wala silang kamalay-malay na ang planong ipinanalo nila ay ang tunay nating mungahi. Ang totoo ay sa atin sila nayayamot at hindi sa ating mungkahi!"

*Dumating si Don Crisostomo Ibarra at ang Guro.Maya-maya ay dumating na rin si Kapitan Basilio*

Kapitan Basilio:
"Bagamat ako ang unang nagsalita ay hindi ibigsabihin na wala ng kwenta ang mga huling pahayag."

Don Filipo:
"Sana'y makinig muna kayo sa aking imumungkahi bago kayo tumutol. Dahil natitiyak kong maiibigan niyo ang imumungkahi ng mga kabataan."

Matanda 1:
"Tatlong libo't limang daang piso ang badyet para sa piyesta. Sa halagang ito ay mahihigitan natin ang anumang kapistahan sa iba't ibang lalawigan ng karatig-bayan."

Kabataan 1:
"Hindi kami naniniwala. Ang ibang bayan ay may badyet na limang libong piso at mga karatig bayan naman ay may tig-aapat na libong piso."

Matanda 2:
"Iminumungkahi ko ang pagpapatayo ng entablado sa halagang isang daan at limampu."

Don Filipo:
"Hindi sapat iyon! Dapat ay dalawang daang piso."

Matanda 1:
"Huwag na tayong mag-aaksaya ng pera sa pagpapalabas at mga walang kwentang paputok!"

Matanda 2:
"Oo nga, anong mapapala natin sa mga komedyang mungkahi ng Tinyente Mayos?Mas makabubuting maglabas tayo ng dula na patungkol sa ating mga kaugalian upang maiwasto ang masasamang bisyo't kapintasan.Anong mapapala natin sa labanan natin sa labanan ng mga prisipe at barbaro?"

Kabataan 2:
"Tama po ang inyong pahayag,sang ayon po kami diyan."

Kabataan 3:
"May dala po ako ritong komedya na natitiyak kong maiibigan ninyong mga matatanda. Ang dulang 'Ang Paghahalal sa Kapitan' at 'Ang Maria Makiling'.Mas bago at kapaki-pakinabang ito mga ginoo.

Kapitan Basilio:
"Kung gayon ay sasagutin ko na ang pagpapatayo ng entablado."

Matanda 3:
"Ngunit ang kura ay mayroong ibang plano.At alam natin na hindi dapat siya salungatin at tayo ay maaaring maipabilanggo ng Alkalde Mayor."

Don Filipo:
"Bakit hindi niyo agad sinabi? Ano pa ang kabuluhan ng pagpupulong na ito?"

Kabataan 1:
"Uhmm babawiin nalang namin ang mga donasyon namin."

Kapitan Basilio:
"Hindi maaari sapagkat ang inyong mga donasyon at abuloy ay naipagkaloob na!"

Don Filipo:
"Magsasakripisyo kami para sa isang mabuting bagay. Nagsasakripisyo na rin lang naman kayo, ngunit para sa masama. Mangyayari ang inyong sinabi alang-alang sa isang layunin bagamat nawalan kayo ng karangalan sa pagtataguyod ng isang bagay na masama."

Noli Me Tangere Script Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora