Scene 9

9.6K 21 1
                                    

*Guro(Abriale)
*Don Crisostomo Ibarra(Kevin)
-------------------------------------------

*Nag-uusap sina Don Crisostomo Ibarra at ang Guro*

Guro:
"Sa lawang iyan itinapon ang bangkay ng iyong ama"

Don Crisostomo Ibarra:
"Maraming salamat po ginoo"

Guro:
"Wala kayong dapat ipagpasalamat. Ako higit na may utang na loob sa inyong ama."

Don Crisostomo Ibarra:
"Sinasabi ninyong tumutulong sa pag-aaral ng mga bata ang aking ama?"

Guro:
"Opo Ginoong Crisostomo.Napakabait ni Don Rafael.Wala ako noong dalang rekomendasyon at ni wala rin akong baong salapi. Gumawa ng paraan ang inyong ama upang magkaroon dito ng paaralan. Sa kaniya umaasa ang mga batang mahihirap na nagnanais makapag-aral."

Don Crisostomo Ibarra:
"Kung ganoon ay nais kong ipag patuloy ang ginawang pagtulong ng aking ama sa halip na hanapin ko ang katarungan sa kaniyang sinapit. Marahil ay higit niyang ikalulugod iyon."

Guro:
"Ikinagagalak ko ang iyong pagtulong subalit nawawalan na ang mga estudyante ng interes sa pag-aaral dahil kulang sila sa panghihikayat ng kanilang magulang.Nakasanayan ng mga bata na magsaulo imbis na unawain ang pinag-aaralan."

Don Crisostomo Ibarra:
"Bakit hindi niyo agad nagawang lutasin ang suliraning ito noon pa?"

Guro:
"Pinipilit ko po."

Don Crisostomo Ibarrra:
"Ano ba ang higit na makakatulong sa kanila?"

Guro:
"Sa tingin ko ay isang gusali ng paaralan"

Don Crisostomo Ibarra:
"Huwag kayong mawalan ng pag-asa, inimbitahan ako sa pulong ng tribunal at gagawin ko ang lahat para maihain sa kanila ang inyong suliranin."

Noli Me Tangere Script Where stories live. Discover now