Scene 4

15.8K 44 1
                                    

*Sepulturero 1(JV)
*Sepulturero 2(Rigel)
*Don Crisostomo Ibarra(Kevin)
*Utusan 2(Cuarts)

-------------------------------------------

*naghuhukay ang dalawang sepulturero*

Sepulturero 1:
"Kakalibing pa lang nitong hinuhukay natin."

Sepulturero 2:
"Kaya naman ang baho ng amoy.Parang masusuka ako sa sobrang baho.Hindi ko na ito matagagalan."

Sepulturero 1:
"Para kang taga-Tribunal sa sobrang selan.Noon nga may bangkay sa aking ipinahuhukay at dalawampung taon palang itong nalilibing.Ang lakas ng ulan noon at namatay ang dala kong ilawan."

Sepulturero 2:
"Nakakakilabot naman ang sinasabi mo."

*linapitan ni Don Crisostomo Ibarra at ng kaniyang utusan ang mga Sepulturero at nagtanong*

Don Crisostomo Ibarra:
"Magandang umaga po, itatanong ko sana kung alam niyo po ba kung saan nakalibing ang aking ama na si Don Rafael Ibarra? Sinabi sa aakin ng aking utusan na mayroon daw itong krus na palatandaan ngunit hindi na namin ito makita."

Sepulturero 1:
"Malaking krus po ang inyong palatandaan?"

Sepulturero 2:
"Isang krus na may inukit na dibuho at taling yantok"

Utusan 2:
"Opo! 'yun nga po."

Sepulturero 1:
"Ang krus ay sinunog ko na."

Don Crisostomo Ibarra
at Utusan 2:
"Sinunog?!"

Sepulturero 1:
"'Yun po ay ipinag-utos ng kurang malaki."

Don Crisostomo Ibarra:
"Nasaan ang puntod ng aking ama? Alam kong alam niyo naman kung saan iyon kahit wala na itong palatandaan."

Sepulturero 2:
"Pero wala na rin po ang bangkay."

Utusan 2:
"Ano!? Wala pa ngang isang taong inililibing ang bangkay na hinahanap namin, bakit ninyo huhukayin?"

Sepulturero 2:
"Iyon po ay ipinag-utos ng kurang malaki at nais niyang ilipat ito sa libingan ng mga Intsik."

Don Crisostomo Ibarra:
"Anong ginawa mo sa bangkay ng aking ama?"
(nagalit)

Sepulturero 2:
"Wag na po kayong mag-alala, hindi ko naman po inilibing sa libingan ng mga intsik ang bangkay ng iyong ama."

Don Crisostomo Ibarra:
"Pwes Asan na ito?"

Sepulturero 2:
"Itinapon ko po ito sa ilog."

*Sa sobrang galit ni Don Crisostomo Ibarra ay hinawakan niya ang Sepulturero 2 sa balikat ngunit inawat ito ni Utusan 2"

*umalis na sina Don Crisostomo IIbarra at ang kaniyang utusan*

Noli Me Tangere Script Where stories live. Discover now