He stared at me before sighing. “Come on, hatid na kita sa bahay niyo”

Hinayaan ko lang siyang alalayan ako since I really can’t feel my feet anymore.

Kahit yung boses ko, feeling ko nawala na.

I’m in real shock right now.

Tahimik lang kami ni Angelo sa kotse niya.

Probably because ayaw niya lang sigurong makielam.

And I’m glad na hindi siya nagtatanong.

Wala pa kong lakas para makipagusap kahit kanino.

Pagdating sa labas ng bahay, bumaba agad siya ng kotse niya at pinagbuksan ako.

Inalalayan niya ulit ako palabas ng kotse niya.

Inabot ko na yung jacket niya sa kanya without looking at him.

Tulo pa rin ng tulo yung mga luha ko.

“Jane, are you okay?” Mahinang tanong niya.

I slowly looked up to him sabay umiling ako.

I don’t know kung kelan pa ko magiging okay…

“I’m always one phone call away in case you needed something, okay? Take care of yourself. Kung ano man yang problema mo, I’m sure may magiging solution diyan”

Solution?

Paano ko aayusin yung fact na niloko ako ni Luke---ni Billy!

“I’m gonna go now, ingat” sabi niya na lang tapos pumasok na ulit siya sa kotse niya.

Pinanuod ko lang makaalis yung kotse niya sa street namin bago ako pumasok ng bahay.

Pagpasok ko, nakita ako ni xyriel.

“Ate! Bat aga mo?”

Ngumiti lang ako ng kaunti tapos dumiretso na ko sa kwarto ko.

I’m glad wala si ate, natutulog pa yata.

Even my mom, di ko nakita.

Baka nasa kitchen.

StarstruckWhere stories live. Discover now