'Siguro pinapahalagahan pa din ni Margaret yung pinagsamahan nila nung mga alaga nyang pusit dati...'

'Baliw ka ba?! Si Margaret 'yan ano! Anong pagpapahalaga ang sinasabi mo dyan?!'

Inalis ko yung sinabi ng epal na boses sa utak ko.

Hindi kaya may tinatago ding kabutihan si Margaret? Hindi kaya mali lang kami ng pagkakakilala sa kanya?

"Sitti! Saan ka pupunta?!"

Hindi ko na pinansin yung pagtawag sa akin ni Patty matapos kong tumayo saka ako dere-derechong naglakad papunta sa exit ng cafeteria.

"Sitti! Hahanapin ka ni Kaizer sa akin mamaya!"

"Sandali lang ako!" sabi ko saka patakbo na hinabol si Margaret.

Hindi ko na nga pinansin yung pagtaas ng kamay ni MM sa akin bilang pangungumusta eh!

Kailangan kong malaman kung tama ba yung hinala ko.

Kailangan kong malaman kung bakit ba galit na galit sa akin si Margaret at kung bakit nya ginawa sa akin iyon saka kung bakit nya hinahayaan yung mga classmate namin na apihin na lang sya ng ganoon.

Si Margaret Torres kaya sya! Dapat lumalaban sya!

"Margaret!"

Napansin kong huminto si Margaret sa paglalakad nya saka ko mas binilisan yung paglalakad ko papalapit sa kanya.

Gusto ko ng matapos ang lahat ng ito. Ayoko ng makita na inaapi na lang ng mga classmate ko yung isa sa matatapang na babae na nakilala ko sa Eastton.

Oo. Alam kong bobo nga ako kasi naniniwala ako na hindi dapat makuha ni Margaret yung ganitong uri ng pangbubully. Pero tao pa din naman sya di ba? Siguro naman nasasaktan din sya sa ginagawa sa kanya ng mga tao sa paligid namin.

Maldita, mataray at maangas lang si Margaret pero alam ko na tao din sya. Babae.

May kahinaan, marunong umiyak at may puso.

"O loser? Bakit mo ko tinawag?! Pwede ba lumayo ka sa harap ko?! Baka mahawaan ako ng pagiging freak mo!"

Okay. Mukhang mali ako sa mga nauna kong comment tungkol sa kanya.

"Ah...eh...musta? Ganda ng panahon ano?"

Sandaling katahimikan yung namagitan sa aming dalawa ni Margaret. Kung sa anime nga lang 'to, sure na sure ako na may lilipad na ibon sa pagitan namin tapos mag-iiwan ng tatlong tuldok dahil sa pagiging sunga nung tanong ko.

'Ang ganda ng panahon?! Ayos ka lang Sitti?! Anong klaseng tanong 'yun?!'

"Okay. What is it loser? Anong kailangan mo sa akin?" taas-kilay na sabi ni Margaret sabay cross ng mga braso nya sa tapat ng dibdib nya.

"Kasi...ano..."

Hindi ako makahanap ng sasabihin ko sa kanya.

Like, ano nga ba yung itatanong ko sa kanya? Saka isa pa, bakit ko ba sya hinabol?! Ano ba 'tong nangyayari sa akin?! Ano nga ulit yung gagawin ko?

"Siguro naman masaya ka na ngayon ano?"

Napaangat ako ng tingin sa mukha nya. "Huh?"

"Siguro naman masaya ka na nakaganti ka na sa akin di ba?" sabi nya sabay tawa. "Huh! I should have know na nagpipiyesta ka na sa loob-loob mo dahil parehas na tayong pathetic ngayon!"

My Tag Boyfriend (Season 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon