Chap39: Stalking 3p

20.1K 269 29
                                    

Dedicate to Mahalkosidjdm. Thank you sa pagfan! Meron karing mga comment at vote kaya thank you din sa mga yun! (^u^)/

**Pics ng chickboy nilagay ko. Ayan lang naman ang kinababaliwan ng mga bagets sa campus. Wag nyong pakatitigan. Baka mahipnotismo kayo! wahahahahahah... Ano pang ayaw ni Paloma diba? Ang choosy! XD

 ________o0o_________

Chapter 39

Nasa may parking lot na si Rence at hinihintay si Elvina ng lumapit sa kanya si Aldrich…

“Tyrone!” tawag ng binata. “Nalaman mo na nangyari?” tanong nya sunod.

“Yeah.” Tanging sagot ni Rence tsaka bumaling sa ibang direksyon. Halatang ayaw nyang makausap ang dating kaibigan pero hindi umalis si Aldrich. Bagkos ay kinausap pa nya ito.

“Hindi naman kayo diba?” napalingon si Rence ng wala sa oras mula sa narinig kay Aldrich. Hindi nya masagot ang napasimpleng tanong nito kaya si Aldrich na ang muling nagsalita. “Silence means yes.” Ngumiti pa ito bago naglakad.

Sakto naman ay naglalakad si Elvina palapit sa kanila kaya nagkasalubong sila ni Aldrich.

“Elvina!” sigaw ni Aldrich at tumakbo pa ito para makalapit agad sa dalaga.

“Uy? Uwi ka na rin?” (^.^)

“Musta? Anong nangyari?”

“Grabe, bat ba parang takot kayo kay Paloma e ang bait naman nya? Sabagay nakakatakot parin sya. Pero masyado kayong nag-alala.” ( ‘.’ )

“Because I like you.”

(o.o) Nagulat si Elvina sa narinig pati na rin si Rence dahil malapit lang ang dalawa kanya.

“Tatawa na ba a-ako?”

“I am not joking. I realy do like you Elvina. Wala ka namang boyfriend diba?”

“Wa-wala.”

“Great! Liligawan kita.”

“Ha?”

“Yes. Tomorrow. Hihintayin kita sa harap ng mall. Aasahan kita doon Elvina.” (^_^) sabi ni Aldrich tsaka sya umalis ng walang nakukuhang sagot.

Natulala si Elvina. Hindi sya umaalis sa kinatatayuan kahit na wala na syang kausap. Nagising sya sa katotohanan ng bigla nyang narinig ang pagbagsak ng pinto ng kotse. Pumasok na pala si Rence sa loob nito.

Pumasok na rin si Elvina sa kotse kaya nagbabyahe na sila pauwi.

“Nakakagulat naman. Dinig mo yung kanina? Hindi ko alam sasabihin ko nun. Hay, grabe! Uhhm, ano sa tingin mo kay Aldrich?”

“Malay ko.” Sagot ni Rence na nakatingin sa labas ng kotse. Tumingin na rin sa kabila ang dalaga.

“Ang labo naman na wala kang alam. Ex-friend mo kaya yun. Pupunta ba ko bukas?”

“Malay ko.”

“Ganyan ka naman. Wala kang silbi. Kahit kontin advise lang ayus na. Grabe talaga yung kanina no? Shocking revelation nangyari.”

“Malay ko.”

“Para ka namang sirang plaka jan. Wala ka nabang alam sabihin kundi ‘Malay ko’? Ano bang nangyari nung umalis kayo ni Aldrich? Sino ba yung kinausap mo?”

Hindi sya sinagot ni Rence. Nagtaka si Elvina pero hindi na nya kinulit ang binata. Naging tahimik sila sa kotse hanggang sa makarating sila sa bahay. Agad na lumabas ng kotse si Rence. Lumabas na din si Elvina at sinundan nya sa paglalakad ang binata.

MP3p (Moderna Probinsyana 3p) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon