Chap1: 3p papuntang lungsod

38.8K 461 31
                                    

Hi Miss aril_daine! Dedicated sayo ito kasi nagandahan ako sa SL 1 and 2.. ^^




_________o0o________




Chapter 1

Nagbigyahe na sina Elvina at ang kanyang lola Marie papuntang lungsod. Kinakabahan sya dahil ito ang unang pagkakataon na lalabas sya ng kanilang probinsya. Nakasakay sila ngayon ng bus at nakatingin si Elvina sa bintana. Kitang-kita pa niya yung dalawang kubo at ang puno ng mangga sa pagitan ng mga ito na lagi nyang inaakyatan. Lahat ng mga yun ay paliit ng paliit sa sa kanyang paningin. Nalulungkot sya dahil wala syang magawa kundi iwanan ang kanyang kinalakihan. Hindi nya alam na naluha na pla sya.

"Ina, umiiyak ka na naman. Ay pag tinatanong naman kita sasabihin mo ayos ka lang." - lola Marie

Pinunasan ng dalaga ang luha niya at tumingin sa lola nya na may ngiti.

"Opo, ayos na ayos na ako la. Nalulungkot lang ako ngayon ng konti kasi ayan oh? *turo sa labas* Iniiwan na natin yung baranggay natin. Tapos maya niyan nasa labas na tayo ng probinsya. Hoo! Grabe la, ninenerbyos po ako. Ahahaha."- Elvina

"Bakit ka naman ninenerbyos? Ikaw niang bata ka, kung anu-anong iniisip mo e."-lola Marie

Ipinatong ng dalaga ang ulo sa balikat ng lola. "Di ba nga la sabi mo dun din nakatira yung lalaking apo ng kaibigan mo?"- Elvina

"Oh?"

"Kasi la. . . ano. . . hindi ako sanay na may kasamang lalaki sa bahay maliban kay tatay."

"Edi masanay ka."

"Eeeeh, lola naman e!"

"O bakit?" Tapos natawa ng mahina ang matanda.

"Kasi po sabi ni tatay wag daw lalapit sa isang lalaki kung hindi mo pa ganun kakilala. Isa pa daw po-"

MP3p (Moderna Probinsyana 3p) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon