Chap15: 3p sa puno ng mangga

22.5K 312 32
                                    

Dedicated to qwertymadness. Request granted my friend. This chapter is for you... ^^


ENJOY READING ULET!

**Anime pics ulit nilagay ko. Ang hirap mag-search ng totoong tao na nakaupo sa puno at nag-eemote. Aiun. Pili kayo jan tas imagine nyo na lang na si bida yan. Pinakagusto ko jan yung babaeng pusa. Ang cute e. Bagay sya sa puno. (*u*) ----------------------------->

_________o0o_________




Chapter15

Umaga na at nasa sala ang magkaibigan habang inaayos ang mga pinamili...

"Nga pala Marietta, di ba maliit pa lang si Laurence ayaw na nya ng gulay?"-seniora

"Ano ka ba Joana. Nakalimutan mo na? Di ba lagi kaming nag-aaway non ni Rence para lang makakain sya ng gulay? Haay, buti nga lumaki syang malusog." -lola marie

"Sinong nagluto ng gulay kagabi?"

"Ah si Ina. Bakit nagustuhan mo ba? Mas magaling pa ngang magluto yung batang yun kesa sa akin." Natawa pa si lola Marie matapos ng sinabi.

"Oo masarap nga. Pwede mo bang tawagin si Elvina? Gusto ko syang magluto ng gulay lang at wala ng iba." Natigil sa ginagawa si lola Marie at tumingin sa kaibigan.

"Aba Joana. Kakasabi ko lang di ba na hindi kumakain ng gulay ang apo mo. Nagiging makakalimutin ka na ata." Tumayo ang seniora at parang nag-iisip.

"Hindi Marietta. Kasi nakita kong kinain ni Laurence yung niluto ni Elvina kagabi. Baka lang pagod lang ako sa lakad natin kahapon kaya kung ano nalang nakita ko. Gusto masiguro." sabi ng seniora.

---

Nasa hapagkainan na ang seniora kasama ang apo at ang kaibigan. Kain lang ng kain si Rence habang nakatingin sa kanya ang lola nya at ang dating yaya.

MP3p (Moderna Probinsyana 3p) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon