Chap23: 3p ni Paloma

21.9K 294 23
                                    

Dedicated to eiijeii14. Isa sya sa supporter ng story kaya heto na Alyza ang para sayo! ^^

IMPORTANT NOTE: Sa mga nakapansin ng typo error ko gaya ng James at Alwina. Yan po ang original names ng characters sa plot ko. Kaya pagnabasa nyo sila, sina Tyrone (Rence) at Elvina yun. Napansin ko bigla kaya in-edit ko na iba. Kaya 'Ally' tawag ni Jillian imbes na 'Elly' nalagay ko. Di bale na siguro yun. Baka may napansin pa kayo pakisabi naman...hehe. Salamuch!  (>.<)

Tip mula kay Elvina: Kung nahihiripang mamili kina Rence at Aldrich edi ganito ang gawin...

_________o0o_________

Chapter 23

Naglalabasan na ang ibang estudyante pero hindi parin gumagalaw sa kinatatayuan nila sina Aldrich, Elvina at Rence. Diretso ang tingin ng mga binata sa mga mata ng bawat isa. Tensyonado ang buong paligid dahil sa kanila ng biglang magsalita si Elvina...

"Eye to eye ulit? Baka magka-developan kayo nyan ha? Good na lang sa inyo."

Lumingon ang dalawa sa kanya. Pagkatapos noon ay si Elvina naman ang tumalikod sa kanilang dalawa at lumapit sa natutulog na si Renald. Tinapik nya ang binata sa balikat.

"Uy Renald, nag-bell na. Gising." sabi ni Elvina kaya nagising ang binata at agad itong tumingin sa kanya. "Tara, break na tayo?" dagdag pa ng dalaga.

"Break na agad?" tinatamad na sabi ni Renald. "Diba pwedeng tayo muna?" dadag pa nya.

(o_O) rence

(o.o) elvina

(0_0) aldrich

Sunod ay tumingin si Renald kina Aldrich at Rence tsaka pinakita ang dalawang daliri...

v(-_-) renald

"Joke." sabi nito na biglang ikinatawa ko Elvina.

"Bwahaahahahahahahah...hahahahahah... Winner ka dun Renald! hahaha... hahahahah... hahahaaayy... nakakagutom lalo..." ( -u-) hinihingal na sabi ni Elvina. Nawala na ang tensyong bumalot sa paligid. "Tara na. Sabay-sabay na tayong mag-break. Ang dami nyo pa kasing arte e."

Napangiti si Aldrich pero napakaseryoso parin ng mukha ni Rence. Sabay-sabay na nga silang naglakad palabas ng silid.

"Zia!" biglang tawag ni Elvina. "Sabay ka ng mag-break samin." yaya nya sa dalaga. Tumango si Zia na may ngiti sa labi. Naglalakad na nga sila papuntang cafeteria ng...

"Allyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyy!" si Jillian ang nakita nilang tumatakbo papalapit sa kanila. "Sabay tayong mag-break Ally!" kumapit sya agad sa braso ng dalaga.

"Ang saya naman! Ang dami-dami natin!" (^.^) sabi ni Elvina. Napalingon si Jillian sa gawi ng iba.

"Zia?" tanong nya.

"Magkakilala na din kayo?" ( '.' ) tanong naman ni Elvina.

"Kilala ko talaga sila." isa-isang tinuro ni Jillian ang mga kasama nila. "Kapatid kong si Zia. Pinsan kong si Rence. Kabarkada nyang si Renald. Uuhhhm... ex-kabarkada nilang si Aldrich at syempre... ikaw!" (^_^) sagot ni Jillian.

"Akalain mo nga naman? Uhm, tara na. Kanina pa ako nagugutom e."

---

Natapos na ang break at muling nagpatuloy ang klase...

"Who are the tranferees here?" Nagtaas ng kamay si Elvina matapos marinig iyon. "Only two?" tanong ng guro. Tumingin matapos ang dalaga sa isa pang nagtaas ng kamay.

MP3p (Moderna Probinsyana 3p) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon